VIII. Still, it'smorefuninthePhilippines
Summer na ibig sabihin ngangasyon na naman. While I am doing this one, my mom is watching me. Bakit? Dahil akala niya gumagawa ako ng diary. Well close enough naman 'to sa diary. Hahaha! Wala kasi ang ditse ko for 3 days, out of town, going north. First time na wala akong katabi sa kama kaya medyo nag-aalala siya. Anyways, segway ko lang 'yon.
Three days ago, may Mumbai na pumunta sa amin, maniningil 'yon ni Nanay na ayos utangan dahil kung maningil ay parang maisipan lang. Palagay ang loob niya sa amin, pumasok siya sa bahay at humingi ng isang basong tubig. Habang umiinom siya ininterview siya ni Nanay."Bakit ba kayo nandito sa Pilipinas eh, tiyak naman maganda estado mo sa inyo."Iling-iling si Kuya sa sinabi ng Nanay ko. "Mahirap doon sa amin, walang kuryente, mataas ang demand pero mababa ang supply kaya sobrang mahal." Sagot nito pero hindi naman diretsong Tagalog medyo choppy siya ang intindi nga ng Nanay sa increase niya, krimen. Sa lahat ng sinabi niya ito ang nagustuhan ko, "Ang mga Pilipino kasi pag merong blessing, sinasabi, punta kayo rito kain! Sharing. Filipinos are generous. Di kagaya sa amin, when you have something, they are jealous, when you don't have bahala ka sa buhay mo. Kaya sobrang enjoy dito eh."
Maraming mali rito sa atin sa politika na parang mapupunding ilaw na corrupt ng corrupt, sa mga tsuper na pasaway, sa mga taong paulit-ulit na nagtatapon ng basura. Pero sa kabila nito, marami ring bagay na maganda at talaga namang masasabi mong onli in daPilipins lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/8126680-288-k928654.jpg)
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-FictionHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories