Lesson 31

66 4 0
                                    

XXXI. DEATH

November 1, Araw ng mga Santo ngayon bukas pa ang sa mga patay. E, kaso busy ako bukas kaya ngayon na lang ako magkukwento, okay?

I’ve witnessed death in front of me. Muntik na akong mamatay. Kaso mahina si K (Kamatayan) kaya hayun. I was a premature baby. Lakas makasisiw, ano? Chicks lang ang dating. Charaught. So hayun, I turned blue to violet pagkalabas ko by C-section and for the record I wasn’t crying. Natakot sila, ako? Hindi ko alam. But miracles do happen. Obvious naman di ba? Nakapagtype at nakakapagupdate pa ako sa online diary ko.

I’ve witnessed death when I was seven, may karinderiya si Nanay noon, ewan ko trip niya lang siguro hindi naman kasi nagtagal. Umuwi ako ng lunch para kumain sa bahay, hindi ko kasi feel ang pagkain sa canteen e feeling ko kumakain ako ng nilagang tsinelas. Siguro matalas talaga ang memory ko kasi hanggang ngayon naaalala ko pa rin ‘yung araw na yun. September 30, kamatayan ng Lolo ko, umuwi ako para maglunch. Ang ulam ko pa ay friend chicken, buhay pa yung alaga kong rabbits na si Monico at Monica nang makita kong inilabas sa tabing bahay namin ang bangkay ni Ate L. I’ve seen with my young eyes yung dalawa nyang kamay na  matigas na (sa tingin ko kasi parang naka-arch na yung mga daliri) habang isinasakay siya sa sidecar na pandeliver ng softdrinks na nilagyan lang ng kutson. Kulay pula pa ang kulay ng kuko niya. Nagsuicide siya, nagbigti, jealousy, may kabit si Mister. Kinikilabutan ako kahit ang aga pa. Sa ngayon yung bahay nila e, narenovate na, naging chapel iyon ng Hilltop pero ngayon e tinitirhan ng isang Chief Inspector.

Mahilig akong gumala, yung harap ng bahay namin ay bukid pati yung likod. May area ng taniman ng mangga tapos tubo. Tapos may maliit na space roon kung saan lagi namin tinatambayan ng mga pinsan ko. I was seven back then noong sabihin sa akin ng Inang ko, (nanay ng lola ko) na may kaway ako. Hindi ko maintindihan yun noong una. Hanggang sa I’ve discovered it on my own, you wouldn’t believe it, maski ako. Seven years old ako noon nang makakita akong ng lalaking pugot ang ulo wearing barong standing on my favorite spot sa bukid. Kinuwento ko yun sa Inang and she told me that I have the gift. Bata pa ako kaya hindi ko iniisip yaon. If you’ll ask me today kung nakakakita ako ng mumu e. HINDI PO. Sabi rin kasi e, kung hindi mo iientertain ang mga ganoong bagay e, hindi naman lalabas. At kapag nakakaramdam ako, nagdadasal ako.

But weird things happen noong nagcollege na ako. Nakakapagpredict ako, syet oo totoo! Noong una akala ko nakakatsamba lang ako pero syete! Nagtakha na ako noong nasundan pa. Hindi na tsamba ito. When I am calm kapag kailangan akong kabahan e, natatakot na ang mga kaklase ko it means kasi na may mangayayaring hindi maganda. When I am so damn nervous, napapanatag sila dahil alam kong may mangyayaring maganda. Hindi ko maintindihan. But men, natatakot ba ako? HINDI PO.

Hindi ko maexplain talaga ang pangyayaring iyon. 

When I was twelve, I’ve seen death in my own eyes, January 31, kakagaling lang namin sa simbahan ng Lola ko. Nakaratay sa higaan ang Inang. Literally, hinahabol ang hininga. She said something pero di ko maintindihan. Basta nagpapasalamat siya kay Mame (yung Lola ko). Nakita ko kung paano siya mawalan ng hininga. It was indeed heart-breaking. Parang pinipiga ang puso ko. Nakita ko talaga, nakita ko! Akala ko sa movies ko lang makikita yung ganoon. It was really a heart-wrecking scene.

Last month, I had a dreamed about a man. Basta namatay siya, and I think may koneksyon kami. Kasi sa panaginip ko I was crying, crying my heart out and kept on calling his name. Nikko, ang pangalan niya. I was holding his shirt while crying. At ang matindi, I was wearing a formal dress. Nagising ako nang umiiyak, ang bigat ng pakiramdam ko. That dream hunts me for like a week or two? Ewan. Wala akong kilalang Nikko, swear. Wala talaga kahit sa school wala. Kinakabahan nga ako, kinuwento ko yun sa friends ko and I keep on reminding them na kapag may Nikko akong nakilala wag nilang hayaang mapalapit ako rito. Tinawanan lang nila ako. Misteryo pa rin sa akin yun e. Natatakot ako. Pero hindi ko na lang pinapansin, kapag naalala ko yun juicecolored! Kumakain na lang ako. Pero duh! May circumstances kasi na pag tumatagal ako sa pagtitig sa isang lugar kung saan ako nakatayo e I am having thoughts na napanaginipan ko na yun bago pa man mangyari yun. Ang weird ko, leche!

A month ago, mom had told me that he had dreamt of my Tatay lying inside a coffin. Oo, ang samang panaginip no? Natakot si Nanay noong una pero as she dig deeper, iba ang kahulugan noon and I believe tama ang Nanay ko.

Yung Tatay ko ay isang Lay Minister, yeah, yung tagasubo ng ostiya. Mabait ang tatay ko sobra at kakikitaan na gusto niya ang ginagawa niya. Not until, some of his ‘folks’ talked behind his back. Yeah, yeah, alam ko namang hindi perpekto ang tatay ko pero kapag kasi inggit ang umiral nakakasira talaga. Siguro nga mahina pa ang Tatay ko dahil, nasaktan siya sa mga narinig niya knowing na mga ‘kaibigan’ niya ito. Ang nangyari hindi siya nagrenew sa pagiging isang Lay Minister, naglielow siya at minsan hindi nagsisimba sa Parokya namin. Hinayaan namin, alam naming nasaktan siya. Pero alam talaga ng Diyos kung ano ang gagawin e, unti-unti nagheal ang sugat sa Tatay ko. A year had passed at alam namin na napatawad na niya ang mga taong nakasakit sa kanya. That dream? It means na namatay na ang kung anong nararamdaman ng Tatay ko dahil nakapagpatawad na siya. Death is practically just a start of a new beginning. He’s now a lay minister at active na ulit. Yung mga nagsalita sa kanya? Kaya na nyang itolerate ang presence.

Ang taray ang dami kong thoughts tungkol sa ganito. Huwag kang lilingon!

Every time we are asleep, we are practicing to die so do not be afraid. Narinig ko sa sermon ni Father years ago. Totoo naman e. Ang kamatayan ay part ng buhay. It’s a cycle.

Ang buhay naman e hindi nasusukat sa kung gaano ka katagal nabuhay, nasusukat ito sa kung paano ka nabuhay, paano mo ginamit ang buhay na ibinigay sa’yo. Ang mahalaga minsan sa buhay mo bago ka umalis dito e may nainspire kang tao, may nagawa kang mabuti. Baka naman hindi ka nga gumawa ng masama pero hindi ka rin naman gumawa ng mabuti. Wag ganoon. We are all living for a purpose and when our time had come sigurado, ang purpose ni God sa’yo ay nafulfill na.

 [Sabay play ng, “How Do You Want To Be Remembered” ni Magic]

O siya, hanggang dito na lang muna. Magdasal para sa mga namayapa huwag maglandi, mahiya sa mga patay!

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon