Lesson 3

286 7 2
                                    

III.  I Shit!

Sabi nila pag namumunga ang puno, binabato. Ang sagot ko naman, kailan pa ako naging puno para batuhin ng mga taong ‘to?

Obviously, it was a hackneyed joke. Ito na serious talk na tayo. I was a good kid, became better and now, I must say the best kid. Hindi naman ako nagmamayabang, pero kung nayayabangan kayo, okay sige ayos akong estudyante, no failing grades since prep. May pagka-abno’t siraulo. Nabully rin ako but that was before.

So ito na nga, I have a katoto na I don’t know kung anong problema sa akin. I’m trying my best to associate with my katoto but still failed ako roon. Madali akong magtiwala, kaya siguro kahit obvious na di ko pa rin nakikita. Ito ang siste, kasi nga feeling ko the best kid ako kaya tumakbo akong SC President, but then I don’t know what had happened kasi a day before ng campaign nagback-out ‘yung mga kapartido ko without me knowing it. I was left in mid-air. Eh ‘yung katoto ko siya lang ‘yung kalaban ko. It was a battle of the best, ika nga nila. Nasaktan ako kasi alam ko na alam niyang kinuha ko na ‘yung mga kasama ko sa party but still nagkaroon pa rin ng sulutan. Naalala ko pa ‘yung umaga na ‘yun, sobrang ganda ng panahon, yung mapapakanta ka ng “di mo alam dahil sa’yo ako’y di makatulog!!!” basta ‘yon. Nang malaman ko ‘yun the only word I could say is “shit!” Yun lang talaga ‘yung nasabi ko. And I was holding my tears back kasi ayokong magmukhang loser. Simula noon, nagkaroon na ng pader between us, an invisible wall. Though, civil naman ako sa kanya. And what hurts me most ay nung nagpalabas sila ng open letter na naglalaman kung gaano kami kawalangkwenta. Kasi re-electionist ako. ‘Yun yung ikinasama talaga ng loob ko eh. Nakaka-shit kasi na katoto mo siya, kilala ka niya tapos ganoon lang for the sake of being the SC President? Pero, naka-move on na ‘ko dyan kasi alam ko naman na God won’t let it happen kung walang rason, di ba? Hindi man siya nag-sorry sa akin, it was fine with me. Nakalimutan ko na ‘yun.

Pero kasi may nangyari nitong nakaraan na nakasakit sa ego ko eh. Mabait naman ako kahit sarcastic ako pero hindi ko talaga siya ma-gets ano bang problema niya? Always acting the DAMNsel in distress? Hindi ako magpipitik kung di nila dinamay parents ko eh, but there it is, the mere mention of my father’s name wakes up the hell out of me. Tsaka, pinagbibintangan ako sa bagay na di ko ginawa. NASAAN ANG HUSTISYA ROON? Hindi ako masalita but I’ll make sure, my action speaks for me. Binully ko raw siya. Nakakapundi ‘yung mga pakulo nila. Samantalang wala ako roon tapos masasangkot ako? Ano ako may Doppler ganger? Hindi naman sa nagmamalinis ako, I’m obviously inis sa kanya but I know when and where to behave. Nagegets niyo ba point ko? Dinegrade ako ng mga kasama niya. I never said a thing, tahimik lang ako. For the first time in my existence nadala ako sa office di dahil magpapapirma ako kay Sir ng mga papers kundi dahil may ginawa akong di ko malaman kung ano. Pagkatapos akong sabihan ng plastic (partly true, lahat tayo ganyan)  balediktoryan ka pa naman tapos ganyan ka nambubully! Tumawag ako sa aking nanay, noong nagriring pa lang sobrang tapang ko but when I heard her voice saying , “Oh, bunso napatawag ka?” parang natouch ‘yung kaluluwa ko, wala pa kong sinasabi naiiyak na ako sa lambing ng boses ng nanay ko parang ‘yun pa lang kino-comfort na ako. Naiyak na ako ng tuluyan, natawa pa nga ako kasi ng maiyak ako dinaluhan ako ng mga classmates ko, ‘yung mga TRUEPA ko. May nag-aabot pa sa ‘kin ng pera tumigil na raw ako sa pag-iyak binigyan ako ng tubig, nadoble pa nga. Tapos may tagapaypay pa ko, ang ending tuloy iyak-tawa ako munshunga lang. But then, my mother said, “Pupunta ako ng school ngayon na. At hayaan mo na sila basta ikaw wala kang ginawa.si Lord na bahala sa kanila.” Ganoon pala ang feeling no? Pumunta si Nanay sa school same day ilang oras after kong umiyak. I was crying kasi nakita ko sa mata ni Sir na sobrang disappointed siya, and that is the thing I’m always afraid of. Because I know in myself that I’ve done nothing but still, seeing the disappointment in their faces makes me feel guilty of something I’ve never done.

Sa ngayon, pinagdarasal ko na lang kay Lord na sana tulungan niya akong magpatawad, I’m still in the process of healing. Nasaktan kasi ako ng sobra hindi man halata dahil sobra akong abno at masiyahin nasasaktan din ako. Hay ang buhay talaga!!!! 

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon