XXXVIII. God's Way
I'm very busy since summer. Honestly, hindi ko rin alam kung bakit e. Feeling ko nga pang-Summa Cum Laude na ko dahil araw-araw nag-aaral ako. Tapos ngayon nasama ako sa non-acad which is very unusual. Kaya hayan, ako na ang definition ng #bonggakaday #nagrejoicekabagirl #flipyourhair.
Anyway, since namimiss ko na ito, as in ang WP community I will share stories that I personally had for the last months.
I am an accounting student, ibig sabihin hindi ako magaling sa math. Magaling akong maganalyze. Pero magkwenta, suntukan na lang kailangan ko ng calcu. So ayun nga, we have an annual celebration of accountancy week or the JPIA week kung ano man ang tawag. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nanalo ako sa Accounting Olympiad. Basta, quiz bee din siya pero tungkol sa accounting at walang katapusang kwentahan. I am so happy that it took me a day to finally absorb it. Imagine, natalo ko yung mga mamaw sa accounting ng klase namin. Iba talaga si Lord. Iba. Iba to. And finally, nanalo ako sa essay. Yay! Tsaka extemporaneous speaking. God is so great.
Pero kahapon nung lumaban ako para sa 2nd round ng extemp, natalo ako. But there's something weird with my lost. When you did not win you are supposed to get upset. But in my case, it's kind of ironic dahil natalo ako but I did not feel any pain. Bakit? Because I know God is up for something. That I lost not to feel pain but to be encouraged. God is the greatest comforter.
The second story, I think I like a guy. Ang korni ko. Bwiset. Not literally liking him that it will end up into something more. Parang gusto ko lang nakikita siya. Kasalanan niya to e. Bigla akong tinanong, "Hindi ba talaga pwede?" Tinignan ko siya. Sabay tanong, "Ang alin?" Tingin ulit."Bawal ka ba talaga magboyfriend?" E, sobrang patola ko. "Hindi naman. Ayoko ko lang." Biglang sabi," Aw, ligawan sana kita." And I was like. Anong problema nito? Tapos di ko na pinansin. Tapos yung sumunod na linggo, lagi niya kong kinukulit. Hindi ko naman pinapansin kasi I know na biro lang yon. Pero marianong garapon. Am I getting signs, I am not supposed to? Kaya noong sumunod na linggo, nilayuan ko. As in. Naloloka ako. Nastuck ako sa kaisipang hindi ako assuming at sensitive ako pero yung isa kong tropa sabi sa kin, "Manhid ka." Napaisip na naman ako. Hinayaan ko na lang. Jusko. Wala pa sa isip ko yon. Huwag ako, please. Tapos noong di ko siya pinapansin, nagtampo yata. Di na ko kinausap. Okay lang at least may affirmation na ko na di siya seryoso. Di ba? Iba talaga si Lord kumilos. Di naman ako nagmamadali. Tapos simula noon, di ko na nakita baka next week magkita kami. Ngingitian ko na lang.
Yung third story ko about sa friendship. Friendly ako sobra. Kahit hindi kita kilala ngingitian kita. I love smiling and I love smiles coming from other people. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng laging nakangiti. Anyway, I've been in love with the book Paper Towns. Hindi siya love story, it was more on keeping your friends. Attach na attach ako sa story na kahit ako naloloka na. I haven't seen the movie but I will do, hopefully this week. Feeling ko kaya ganoon yung pagkahook ko sa book because I am longing for a friend na hindi ako iiwan. I mean, a friend that will not make me feel neglected. Kasi lagi kong nararanasan yun. Alam ko ang babaw pero anong magagawa ko? Yes, I have lots of friends pero iba yung hindi ako iiwan. Yung hindi ipaparamdam sa akin na hindi ako importante. For the past weeks, though I am always smiling there is pain inside me. Nagtatampo ako to the point na konting taboy na lang nila, maiiyak na ko. Nagtatampo ako but still, I am weighing things. Pero dahil nga sobrang nagtampo ako, sobrang irrational ko na rin mag-isip. Pero di ko naman sinasabi. Naghihintay ako na magtanong sila. Well, the joke is on me. Kasi lagi nga akong nakangiti kaya they assume that everything is okay. Naiinis talaga ako. Pero God has His ways, I managed to catch up with a friend, well, she's my bestfriend from the other course and she hear all my sentiments yesterday. And I was so happy that I keep on telling her that I miss her so much. Kahapon kahit natalo ako sobrang gumaan yung pakiramdam ko kasi she told me that everything is going to be okay. Ang saya ko pag-uwi. Tapos nung nag-online ako. Nagbackread ako and I saw a conversation of me and my squad in high school. In the end, I am goind out with my high school best friends. Ang saya. Thank you Lord! The best ka talaga!

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-FictionHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories