XXVIII. THINGS THAT I SHOULDN'T TELL BUT I HAVE TO. (So napilitan lang ako? JOKE LANG!!!!)
Tagged by searchandrescue
Rules: Dedicate this to the one who tagged you, then tag others to write the same 20 facts about themselves.
This is just for fun.
20 Things about me (alangan naman sayo di ba? Sarreh! HAHAHAHAHA! Korni.)
1. Bulakenya. Kaya huwag na kayong magtakha kung bakit matatas akong managalog. Grabehan kaya kami sa Filipino. Nagdudugo ang utak ko sa subject verb agreement sa Filipino ah. Mababait ang Bulakenyo, okay? Kung ano man ang nakita nyo sa news e huwag niyo naman kaming iistereotype. Aksidente lamang iyon. Affected ako, sorry.
2. Bata pa ako. HAHAHAHA. Underage. Wala pang karapatang bumoto. HAHAHAHA.
3. I started writing sa school newspaper namin, editor-in-chief ako, so yeah, may background ako sa pagsusulat.
4. Hindi ako mahiyain. Smart-ass kid ang bansag sa'kin. Pero I prefer to be called "lista or bibo kid". Marami kasi akong pahiya chronicles e, like nung nagreport ako nung elem, bagong floorwax pala ang sahig tapos nilagyan nila ng pulbos e nakashoes ako so ayun plakda ako. Yung adviser namin tawa ng tawa. Hindi ako umiyak. Nakitawa na lang din ako. Na-immune ako sa mga ganoong pangyayari so ang confidence ko e kalevel ng langit (obvious naman kay Jawo). Hindi naman ako conceited, medyo lang. JOKE!!!! De, yung mga ganon kasing pangyayari e magtuturo sayo kung paano ka kikilos sa mga di inaasahang pangyayari.
5. Tatlo lang ang naging crush ko. PBA pa nga ang mnemonics kapag pinagsama-sama sila. Yung una kasama ko sa simbahan (mabait kaya ako), yung pangalawa schoolmate ko nung high school, yung pangatlo kasama ko sa rondalla.
Pero grabe yung pangalawa kong crush na naging schoolmate ko, siya talaga yung solid na rumak sa buong taon ko sa high school. It's like when you say my name, associated na agad ang pangalan niya and vice versa. Magka-loveteam kami (feeler). Okay, moment ko naman ito so ikukwento ko na.
Nagsimula yun nung convo namin first year ako, first honor kaya ako! HAHAHA. Kinulong ako ng mga kaklase ko (totoo to!) sa room namin at kinorner at pilit na pinaamin, e wala naman talaga akong type sa mga kaklase ko kaya ang ginawa niya e sinulat niya yung pangalan ng second year boys tapos sa sobrang inis ko I randomly pick a name tapos yun nga yung name ni 2nd crush. Teka hindi ko pa siya kilala nun! Transferee ako, nakyutan lang ako sa pangalan niya. Edi okay na.
Tapos kinabukasan, nalaman ng adviser ni 2nd crush na crush kuno ko raw siya. Nung time na nakilala ko siya e nung SG elections na kasi running for secretary yata siya. HAHAHAHA. Hindi kasi siya umattend ng convo nun kaya late ko na siya nakita. Tapos nagising na lang ako isang araw na kalat na sa buong school. Pero haler! Bibo kid nga di ba? Syempre, ginagamit ang utak. Girlfriend niya yung kapatid ng bestfriend ko kaya hinayaan ko na lang ang issue (issue talga?) baka kasi ako pa ang maging cause ng paghihiwalay nila. Pero takte alam niyo nangyari? Imbis na magsubside lalong lumala, so nakijoin na lang ako. Sabi nga di ba, "If you can't beat them, join them." Mahirap ang mapikon e, nakakapanget. May kilig moments din naman ako. Nag-hi siya sa 'kin and even text me (teka lang matalino akong tao siya ang unang nagtext!!!!).
Tapos meron pang isang nakakainis na pangyayri (sobrang dami ng nakakainis moment ko nung hs) bored yung friend ko kasi last quarter na namin nung 3rd year at nagPhyphysics kami. Di siya nakikinig tapos dinare niya ako, "Itetext ko si *2nd crush nga*" sabi niya. E, nakikinig nga ako so di ko siya pinansin di niya tiyak gagawin yun e pero langya sinend nga! Ang nakalagay e, "Punta tayo sa tindahan natin. *pangalan ko sa baba*" nung una e, okay wala akong pakialam pero nagpatawag ng meeting tapos ako lang yung third year tapos seniors ang kasama at kung nakakapatay ang tingin e patay na ako nung mga oras na yun. Tapos yung kaibigan ni 2nd crush na friend ko rin e kinausap ako tungkol dun I denied it. Wala naman talaga akong kinalaman tapos yung friend ko na nagtext sa kanya nagpalit ng number!
Pero mabait si 2nd crush noong nagkaroon ako ng issue sa school he offered to help. Close na kasi kami nun e, kuya ko siya. Please read Lesson 3 for more details sa issue na sinasabi ko.
6. Drummer ako dati. Medyo marunong sa keyboard. Naggigitara ako. Nagcocompose din ako ng kanta. At kumakanta ako sa simbahan.
7. Hindi ako palamura. Pinakamatindi ko na sigurong mura is "shit" which is double meaning pa. yung kwento ni Jawo kapag may mura part na si Jawo na talaga iyon at hindi ako. HAHAHAHA.
8. Ang plot ng "Nakakapagpamurang Kamalasan" ay napanaginipan ko lang.
9. I didn't plan to take Accountancy, it was God's plan. Gusto ko talagang mag-Creative writing e. Suportado naman ng parents ko kahit hindi gaanong practical. Pero hindi naman ibig sabihin na Accountancy ang kinuha ko e titigil na ako sa pagsusulat. Sa ngayon, nagmamahalan na kami ng Accounting. Mahal ko yung course ko and I am sure na mamahalin din ako nito. HAHAHAHA.
10. Paborito kong author si Bob Ong. In fact, kumpleto ko na ang book niya! And I am waiting on the release of his new book this October. Bet ko rin si Sir Eros Atalia at John Grisham ay grabe yang si Pareng Grisham pag-usapang korte e, napakahusay! Paki-add na rin si Paulo Coelho, una kong nabasa ang novel niya nung first year ako. Ang galing niya!!!!! Nakakainspire swear! May mini library pala ako sa bahay.
11. Hindi ako mahilig sa OPM. Pasensya na po. *yuko* Hindi kasi pambirit ang boses ko Pop and Rnb ang madalas kong kantahin e!
12. My real name is the smell of a blossoming flower in Summer. Wahahaha. Ang daming nagtatanong ng pangalan ko. Lagi kong sagot, "That's the thing you shouldn't know."
13. Math and English keri ko 'yan huwag lang ang history. Mamamatay ako sa petsa. Pasensya na. Ayoko ng enumeration sa exam pang-kabisote yun eh.
14. Opinionated ako. HAHAHA. Laging may, "Bakit?"
15. Korni ako pramis. Kengkoy yeah, class clown minsan.
16. Hindi pa ako naiinlove. HAHAHA. Seriously?! Yiz, siguro dahil namulat ako sa positive na pamilya. Hindi sila mahigpit. Minsan pa nga naiinis ako pag di ako pinapagalitan e. Napaisip nga ako minsan, may nanligaw naman sa akin bakit di ko pinatulan. Nasagot ko rin kasi may priorities ako at darating din ang tamang panahon. Stuffs like that, swear dumating ako sa point na napaisip ako na, "May puso ba talaga ako?" Kaya kung sakaling babasahin niyo yung "Ang Pinakakorning Labstori" makikita niyo yung insight ko tungkol sa love. HAHAHAHA.
17. Ginebra pa rin kahit laging talo.
18. Ayoko sa lahat yung niloloko ako.
19. Frustration ko ang sports. Kaya ang bagsak ko e, taga check ng scores. Pero naglalaro ako tuwing intrams. HAHAHA.
20. I trust God so much. Siya lang yung nakakapagbigay ng comfort sa akin kapag in doubt ako. Kapag nawawalan ako ng kumpiyansa sa sarili. Lagi kong sinasabi, "Lord, take over." Naniniwala ako na everything happens for a reason. That reason might be a mystery to us but one thing's for sure it's for the best. And prayers could move mountains!!!!
'Yan na ah!!!!

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Документальная прозаHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories