XXV. Susmaryosep!
Istrikta ako lalo na sa mga pinsan kong mas bata sa akin. May isa akong pinsan sa totoo lang e lalaki siya at two weeks lang ang tanda ko sa kanya. Nakatingin ako sa labas noong gabi na iyon mga alas otso na yata noon e. Tapos dumaan itong pinsan ko. Aba! Pagkakita sa akin e biglang nag-sign of the cross! Dalawa lang ang naisip kong rason kung bakit niya ginawa iyon. Una, akala niya siguro isa akong santo. Pero mas parang kapanipaniwala yung pangalawa kong naisip. Napasign of the cross siya kasi nakakita ng santita! Dahil noong mga oras na 'yon balak ko na talaga siyang sermunan dahil gabi na e paga-gala pa!
Nagbantay ako sa tindahan yung kapitbahay namin bumili ng kiwi, nakakahiya man pero hindi ko talaga alam ang presyo noon. Tinanong ko pa siya, "Sigurado kang kapitbahay ka namin?" naniniguro lang! Kasi naman hinulaan ko yung presyo. Sabi ko naman sa kanya pag kulang yung bayad niya pag bumili siya ulit ibalik niya pag sobra ibabalik ko naman. Pero walang nangyaring ganoon dahil tama ang hula ko! Magaling talaga ako sa mga ganoon!
Yung grade 2 kong pinsan tinanong ako, "Ate magkano young tig-siyeteng chicharon?" tumawa ako nang wagas! Naalala ko kasi yung isang entry sa Tagay Tayo! ni kuya @emosyon
Susmaryosep!
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-ficțiuneHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories