Lesson 32

51 4 1
                                    

XXXII. WHY BOYS ARE IDIOTS

First things first, hindi ako galit.

I happen to be the class president. And you will curse being an officer in college. WALA NAMAN KASI ITONG CREDIT. Voluntary. Oh wait, dineclare lang nila na ako na ang president. It was a mob rule.

Hindi ako nagrereklamo. Sanay ako sa mga ganito. Ang hindi ko kayang itake ay ang nasaksihan ko.

Malapit na ang elections ng org at ramdam na ramdam ko ito. The higher years were killing my phone even my fb account. Nanghihingi ng kandidato sa klase. So nagbigay ako excluding myself. I suggested many pero nagulat na lang ako ng kontakin ako ng both parties para maging candidate nila. Anong ginawa ko? I turned down both offers dahil hindi ko na kaya ang responsibilidad.

But why boys are idiots?

Here's the thing, hindi ko tinanggap ung inaalok pero I suggested the person whom I know na sobrang gusto ang position. Kinontak naman siya ni 'aspiring GUY president'. Tinanong nya ung friend ko na inirecommend ko. And my friend, accepted it. Pero damn boy, pagkakita ko kanina iba na pala ung kinuha.

What's the purpose of contacting my friend if he's going to get another?

Nasaan ang logic, aber? Umasa ung isa. I am pissed. How could a future 'leader' do that? Leaders motivate. Maling-mali. Bwiset. Wala sa hulog. Ang sama ng mukha nung kaibigan ko kanina. ASAR!!!!

Why boys are idiots, again?

Because they were irrational. Mayroon akong GUY classmate, naiirita ako sa kanya nung una kasi lagi nyang sinasabi na, "Ang talino talaga." Alam ko naman pinapaulit-ulit pa. Pag nakikita nya ko lagi nyang sinasabi yun. Naiirita ako kasi we are in a BSA class where damn erudite people always speak like a dictionary. PURO nagtapos with flying colors ba't ako lang ung ginaganun?

Pero ngayon di na ko naiirita, naiinis na ako. Lagi nya kong tinatanong tungkol sa mga nabasa kong libro ni Paulo Coelho at movies ni Adam Sandler. Para saan? Nabasa ko na ba't ko pa ikukwento. Pero kahit naiinis ako letche natutuwa ako kasi may kausap ako tungkol sa libro.

Pero hindi pa rin ako natutuwa sa kanya. Hindi ko magets kung bakit masyado syang mabait samantalang pag kasama nya ung mga tropa nya ang ingay nya. Katulad nung nagdistribute ako ng course outline, ako yung nagpamigay tapos ako yung naubusan. Nung nakita nyang wala akong copy biglang sabi, "Wala ka? Oh sayo na lang." Di naman porke't na wala akong hawak sa kamay e wala na akong kopya. Nasa akin ang original photocopy (pinaphotocopy ko yung sa prof).

At ito pa kasabay ng pagkainis ko kay Aspiring GUY president e sumabay pa tong GUY classmate ko. Ako ung oorder nung book para sa klase kaya maaga ako sa school. Tapos bigla ba namang dumating tong kaklase ko at umupo sa harap ko. Di ko pinapansin katext ko kasi ung VP. Tapos nagulat ako e nakaupo na sa tabi ko. Di ko pa rin pinansin, katext ko yung prof e tsaka inaaway ko yung kaibigan nyang feeling genius. Nagsawa, hayun umalis. Buti naman. Kaso biglang bumalik tapos pinalo ung kamay sa table ko sabay sabing, "Kagandang dalaga," di ko nilingon baka di ako ung sinasabihan kahit na ako ung katapat nya. "Nakailang boyfriend ka na?" nagulat ako. Sabi ko, "Lima." Syempre joke lang un. Maraming nagtangka pero walang pumasa. Baby pa ko no! Nagulat sya. Natawa talaga ako sa reaksyon. Priceless. "Charaught lang. Gusto ng nanay ko pero ayaw ko. Wala pa, as in," tapos tumigil na sya sabay sabing, "Mag-iisang taon na akong walang girlfriend." Sumagot na lang ako ng, "Congrats." Tapos bumalik na sya sa upuan na katabi ng upuan ko pero nakatalikod ako sa kanya e pano ba naman katapat nya ung Aspiring GUY president. Baka di ko kayanin mapag-untog ko sila.

Bago sya  umalis letche muntikan ko pang masapak. Pano binigay sa kanya ung sukling barya 3 pesos yata. Ayaw nyang kunin. Tapos biglang sabi, "Sayo na lang." Hinarap ko sabay sabing, "MAYAMAN AKO."

PS. Si 'aspiring GUY president' ay ung sinasabi kong nageffort tumingin sa list ng passers sa university. Nasa previous chapters un. Si GUY classmate, sumaling pageant yun. Di ko alam kung nanalo.

Boys are  idiots. NO ERASE. PADLOCK SUSI. TAPON DAGAT. KAIN SHARK. THE END.

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon