Lesson 5

179 7 4
                                    

V. Dumb DAMN

 

May kaibigan ka bang tanga? Ako meron. Sorry pero tanga talaga ang gusto kong itawag sa kaibigan kong ‘to. Bakit? Because he’s just so ninny. Here’s the case, may girl na gusto si friend and the girl I think likes him too. Naging sila. Tinalo pa nga ilaw eh. ON AND OFF ang peg. Pero ito ang siste, si girl ang may problema, he likes this guy pero ayaw mag-take ng risk. Eh, feeling ilaw din ako, ayun napundi ako sa on and off relationship nila. Sobrang badtrip ako ng araw na ‘yun dahil sa Principal namin na pabago-bago ng isip, sinabayan pa ng kaklase kong 5’7 ata ang height binunggo ako, linsyak ano namang laban ng leader ng mga minion sa kanya. Nag-init talaga ang ulo ko. Eh, nakita ko si friend sa gilid, ‘yung gelpren niya wala sa room nasa labas pa, sabi resume na ng klase, so galit na naman ako and when I say galit my mouth became a shot gun. Bratatttata!!! Bigla kong sabi, “Nasaan girlfriend mo?” ’yung time nay un pala eh, nagkakalabuan na ‘yung dalawa, di ko siya binigyan ng pagkakataong sumagot. Sabay sabi ko pa ng, “Sinong kasama? Siya na naman? Ikaw boypren ah? Ba’t ganun?” Biglang sumigaw din. “Eh, yun ang gustong kasama eh! Anong magagawa ko? *piyok*” Pumiyok na parang iiyak si friend ko at totoo nga umiyak. Kalalaking tao umiyak. Syempre, kinomfort ko rin pero sinabihan ko pa rin ng tanga, ako na masamang kaibigan. Eh, kasi pinagmumukha na siyang tanga ni girl. Sobrang seryoso niya tapos ‘yung isa nilalaro lang siya. Nasaan ang hustisya roon? Niloloko ko pa nga, sabi ko pagagawan ko siya ng rebulto sobrang martir eh. But then, I’ve realized may mali rin pala ako. NAGMAMAHAL LANG ‘YUNG TAO.

Kinuwento ko ‘yun sa nanay ko, syempre, para matulungan ko rin si friend pero wala ring natulong ang nanay ko. Sabi nga nila, kapag nasasaktan ka, totoo kang nagmamahal. Hay, pero dahil parang kapatid ko na ‘yung bugok na ‘yun tinulungan ko pa rin. Kinausap ko si girl. Sabi ko, kung totoo niyang mahal si friend, take risk pero kung infatuated lang siya talaga, let it go na kasi pareho silang masasaktan. Alam niyo kung anong ending? Sila na ulit. Marami man ang nagsasabing tanga si friend, push niya na ‘yun, tanga man siya sa kanilang paningin, don’t worry sa akin din. HAHAHAHA! Nagmamahal talaga siya. <3

Masaya ako para sa kanila kasi sa wakas di na ako makukunsume sa mga kaartehan nila, atleast now, clearance ko na lang ang iintindihin ko. HAHAHA!!! Tsaka, wala na rin akong pampaggawa ng rebulto, ubos na pinambayad ko na sa grad fee.

Lesson learned: Ang pag-ibig parang ilaw, on and off minsan, pero madalas nagbibigay liwanag.

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon