Lesson 16

119 3 0
                                    

 XVI. Nakakapagpamurang Opinyon ni Toritey sa Pagmumura

Thank you for reading! Non-fiction #829 na tayo!!! Oh ito na! 

I was surfing the net, writing an update for my new novel, “Nakakapagpamurang Kamalasan” which may include few profanities. Naghahanap kasi ako ng murang hindi talaga tunog mura. I mean, something na hindi masakit sa tainga. Pero wala naman akong nakita, instead may nakita akong mga blogs na tumatalakay roon. Sabi hindi ka tunay na Pilipino kung hindi ka nag-iisip na murahin ang iba. I bet we all do.

Hindi naman talaga ako against sa profanity pero hindi rin naman ako sang-ayon na gawin itong almusal ng kung sino sa sobrang lutong. Nagmumura ako lalo na kapag nabibigla. Nagmumura ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses.

Sa PBA kapag nagmumurahan na, nakakaentertain pero mali pa rin ito lalo na’t pinalalabas ito nationwide, kaya nga nagmumulta ng isang daang libo ang mga coaches and players dahil masama ito.

I came up with an idea. Kahit hindi ka magmura makakasakit ka pa rin ng kapwa. Kasi mayroong mga panget na salita na napapaganda ng tono mo pero may mga magagandang salita na napapanget ng approach at tono mo. I know you understand it. Words can be sword.

Yung ibang tao sinasabi na expression lang yung pagmumura like kapag nakakakita ka ng lalaking tumawid sa lubid tapos sa ilalim noon e, halos 80 buwaya syempre kapag kinuwento mo ‘yun, maeexcite ka sasabihin mo, “Pre, dapat sumama ka tang na lupit noong lalaki walang safety gears.” It adds intensity. Mas may dating, yung word na yun, na-explain na yung nararamdaman mo.

Kahit na expression ito e, iba ang society natin. You know, iba ang kultura natin.

Hindi naman ako nagmamalinis pero sana limitahan natin ang pagmumura.

Naniniwala naman ako na kahit nagmumura ang isang tao e, hindi siya masamang tao.

 

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon