Lesson 13

148 4 0
                                    

XIII. Bata, anong pangarapmo?

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, mababaw man o super deep. Kahit senior citizen ka na o di kaya nama'y isang batang nag-uumpisa pa lang matuto tiyak na may pangarap ka.

Anong feeling ng may pangarap? Feeling ecstatic? Feeling meh? Feeling sarcastic? o feeling feeling lang? Well, ang pakiramdam ng may pangarap ay katulad ng dahilan kung bakit ka nabubuhay. Katulad ng pagkakaroon ng pananampalataya at paniniwala sa isang bagay.

Anong pangarap mo? When I was a kid ang simple lang ng pangarap ko, gusto kong maging tagabalot ng regalo sa isang malaking mall. Syempre, di naman nagkatotoo 'yon noong mismong hilingin ko 'yon. Naging tagabalot ako ng regalo di sa mall at sa panahong di ko na ito gusto, naging tagabalot ako ng regalo tuwing may kasal, birthday, anniversary kaming pupuntahan o kung ano pa man ang pwedeng balutan, natry ko na rin magbalot ng puto and it's pretty cool. In the same way, nafulfill ko naman ang pangarap na 'yon.

When I was in elementary, my dream had changed. I wanted to be a CIA agent/secret agent I want to be a spy kid with cool gadgets. Hay! Those days were the awesome days of my childhood. Sinasakyan kasi ng Tatay ko 'yong mga kalokohan ko. I am an OSS Agent Level 2 as he used to say. Sino bang ayaw noon? Jaguar na kotse na nagiging invisible and could flip in the air? Bubble gum na nakakapagpasabog ng building? Relo na pwedeng communicator? Pero ang pinakacool ay iyong nasa MIB, 'Yong laser na kapag umilaw at tumama sa mata mo ang liwanag nitong taglay eh, makakalimutan mo ang recent memories mo and the agent could tell you a lie about sa nangyari. Pero nakamove on na ako dyan.

Siguro ang pinaka naging matino kong pangarap ay noong nasa intermediate class na ako. Nadiskubre kasi ng mga teacher ko na may talent ako.... sa pagsusulat. Yes, kahit parang basura ang gawa ko rito sa Wattpad may talent ako roon at least sa sarili kong paniniwala. Hahaha! Editor-in-Chief ako ng school paper namin, editorial writer ako at minsan na ring nag-train ng mga batang gustong matuto. Nanalo naman ako, nakakuha ng ginto pero nalaglag ako sa Prov. It was fine, kasi dahil doon nagkainterest ako sa kalagayan ng bansa. Nagugulat nga ang nanay dahil araw- araw, nagtitira ako ng bente pambili ng dyaryo isang English at Tagalog, tabloid lang. Napansin ko rin na 'yong ibang balita eh nauulit lang. Editorial column naman ang madalas kong basahin kaya okay lang. I've dreamed of being a journalist. Yes, pinangarap ko 'yon but got no plans to pursue it in college.

Pero hindi naman dahil sa hindi ko ipupursue ito eh, titigil na ako. When I was in second year, sumali ako sa essay writing contest and I won, have the gold medal and called the youngest among the competitors. Nagtuloy-tuloy pa 'to hanggang sa ngayon. Somehow, natupad ko na rin ang pangarap na 'yon.

Ngayon nakagraduate na ako sa high school. Pero bago mabuo ang desisyon sa kukunin kong course, eh nakakatuwang pangyayari ang nangyari sa akin.

It was one of the ordinary days of my life. Mga mid ng November 'yon, ahm, second year ako noon. Nagwithdraw si Nanay sa bangko. Kasama ako noon sa pangakong itetreat niya ako. Hinihintay ko siya sa may upuan, waiting area? Sitting across to an accountant na mukhang ang kausap na client ay big time literally and figuratively.

The weird part here is that, nakatitig ako sa kanya tapos habang tumatagal 'yong pagtitig ko sa kanya nagsslowmo yung bibig niya and I felt like time traveling kasi unti-unti I imagined myself in the same position she was sitting, talking to a client and doing my best to help him. And voila! I am going to take BS Accountancy. It was my decision. And I know I can make it! I am going to be a CPA and if it's not too much I want to be a CIA, a Certified International Accountant or the other a CIA agent (Sana!*cross fingers*)

Lahat tayo may pangarap, ang hamon na lang sa atin ay kung matutupad natin ito o mananatili lang isang pangarap. Guys, five years from now, kung isa kang estudyante na may pangarap at kung binabasa mo 'to, hihintayin ko ang comment mo dyan sa ibaba at ikwento mo sa akin kung paano mo inabot ang pangarap mo.

Walang naniniwala sa'yo na kaya mo? Let them eat their words, okay? Naniniwala ako sa'yo tulad ng paniniwala kong ang panget na higad ay nagiging isang magandang paru-paro pagdating ng tamang panahon.

Isapa, anggreatestaccomplishmentsabuhayayhindiiyongpetiks na nagagawa kundi yaongmgabagaynadinilaakalaingmagagawamo.

Kaya kahit maliit ka (sakit!), dream big. Kung matangkad ka naman, aim higher. Ikaw! Fly like a falcon and walk like a champion, okay? Malayo ang mararating mo basta buo ang loob mo at may pangarap ka. Tip ko lang hanap ka rin ng inspirasyon ha? INSPIRASYON HINDI EXPIRATION!

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon