XXVII. Of Studies version ni Toritey kinabog si Bacon.
It's been a while. Kahapon gumawa ako ng assignment sa Literature. Medyo badtrip kasi ako dahil ang baba ng grade ko sa nakaraang assignment. 2.5 that's a no no for me. Matic kasi na lahat kami candidate sa pagiging Laude. Hindi naman sa pinepressure ko yung sarili ko na makakuha ng uno pero I want to give my best kaya sabi ko sa sarili ko, "Pasabog? Gusto ni Prof ng pasabog! Bigyan ng pasabog!" Gumawa ako ng pop-up and you know what? Ayaw na niyang ibalik. Ang ganda kasi! Ang yabang!!!!! Well? Chinachallenge niya ako e. Why give me a 2.5 when I know I deserve something more than that?
Habang chinichika ako nung pinsan kong Grade 7 kahapon e, napansin niya na ang dami kong books sa study table. Hell week e. Tapos papunta ako sa CR tinignan ko yung books sabay sabi ng, "Babalikan ko kayo pramis!" natawa siya. Pagbalik ko nakabantay siya sa akin. Tapos nagsabi nang, "Ate ang hirap mag-aral no?" napatingin ako. Narinig siya ni Ate sabay sabi ng, "May mas mahirap pa riyan," tapos huminto siya. Tumingin sa akin yung bata, di niya nagets si Ate e. Kaya ako na ang tumapos.
"Mahirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan."
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Não FicçãoHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories