XXX. Pang-thirty.
Pang-30 na ‘to? Talaga naman! Kanina ko lang napansin na 3K+ reads na ito. Talaga naman oh! Mabenta pala ang kwento ko. (Hindi, chismoso lang kayo! Charaught!) Seryoso, thank you sa pagbabasa nito! Sana may natutunan kayo rito, kahit kaunti lang. Please naman sana naman talaga ay may napulot kayong lessons dito at di puro kakirihan ko at kalokohan ang natutunan niyo. HAHAHA! Katapusan na ba ng librong ito? HINDI PA PO. HANGGANG SA NABUBUHAY AKO AY MANANATILI ITONG ON-GOING. O may hint na kayo? Pag di na ko nag-uupdate baka… baka.. patay …. Ay hindi baka may date lang ako. Charaught!
Feel ko magkwento kahit talo ang Ginebra. Okay lang astig naman ni Japeth kanina. And baby Ellis was possessed by Kobe Bryant awhile ago kaya okay na rin. Kabs, kalma lang okay?
Anyways, mga 7 a.m. ako nagising kanina. Ang ingay kasi ng Ditse ko nakakainis kasi she kept on shouting, “Nasaan si Johnny Bobo?” di ba ang bully ng kapatid ko? Pati cartoon ginaganon. Mabalik tayo, yun nga sigaw siya ng sigaw isusuot niya raw kasi yaong tee shirt na may mukha ni Johnny. Nainis ako. Sumigaw ako e, “Tse, ang bully mo!” di niya ako pinansin edi natulog na ulit ako.
8:30 nagising ako! Yeah, yeah I am such a lazy kid. Anong magagawa ko, nakikipagcooperate ang panahon. Umuulan kanina tapos ang ganda pa ng tugtog. Rainy day, Ed Sheeran’s music— yay! Ang sipag kong tamarin kapag umuulan. :3
So hayun nagising na ‘ko pero hindi ako bumangon. I reached for my phone na katabi ng PC at chinarge tapos napansin ko bukas yung wifi! Hallelujah! Lalong hindi ako tumayo. Yay! Tapos…tapos.. nung chineck ko yung e-mail ko. (One thing, sa lahat ng social media accounts ko GMAIL ang una kong binubuksan. Bakit? Nakasync in kasi lahat ng accounts ko rito and kapag may nakita akong posts na interesting tsaka ko pa lang bubuksan. Bakit ko ba iniexplain? HAHAHA. Ibig ko lang sabihin, hindi ako nagbubukas ng FB or WP agad-agad. :D)
Yun nga chineck ko yung e-mail ko. TAPOS AMEN!!! Alam niyo ba sa tanang pagfafangirl ko e kanina lang ako natuwa? May nakita akong notif na galing sa Twitter. Nakalimutan ko pa lang magout sa Twitter tapos may nakita akong ‘NEW INTERACTION’ hindi ko muna pinansin gmail muna tapos para masiguro kong hindi ako namaligno tinignan ko yung Twitter ko!!! Tapos naman! NAKITA KO OHMYGEE! Joel Goncalves is following me on Twitter. I was like for real? HAHAHAHA. Ang babaw pero nagtatalon ako kanina. Yeah, yeah sobrang babaw. I’ve been watching him sa Youtube, una ko siyang nakita sa X FACTOR Australia at oh boy! Ang ganda ng boses. Pramis!!! At beautiful face, sobrang humble men hindi siya isnob! See it for yourself. Sana makapunta na siya sa Pilipinas, alam ko next year pa lalabas ung debut album niya e. Such a brilliant artist. Ang taas ng range ng boses.
By the way if you happen to see my story “Nakakapagpamurang Kamalasan” siya po ang gumaganap bilang Tom. J Tinweet ko rin kay JG ang pictures na ginamit ko roon! Hihihi.
Follow him on Twitter: @Jmmusic39 he’s funny too!! Ako rin pa-follow! @ubiquitous_WP see how bad I was. Charaught lang guys.
Ano pa ba? Ahm guys, I’ve been receiving messages magbigay daw ako ng ‘advice’ tungkol sa pag-ibig. Mga kapatid, I am half hopeless romantic but the other half of me is damn realistic and fatalistic kaya di ko alam kung mabibigyan ko kayo ng matinong advice.
Nonetheless, here’s my tip sa mga taong nagmomove pero in the first place ay hindi naman naging sila. Sorry guys, ang sama ko. Ito na nga.
“Kung hindi mo gusto ang kinalalagyan mo, kung ayaw mo sa nararamdaman mo— MOVE ON. Maugat ‘yang paa mo pero hindi ka puno. Okay?”
withLOVE, Toritey. xX Half Human, Pure Sarcastic.
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-FictionHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories