XX. The Three-Peat Champs
I’m a Ginebra fan. At hindi naman kaila na talagang ang mga fans e, nag-aaway dahil sa mga bet nila. Ang madalas rumarak sa Newsfeed ko e, yung mga MEMES about sa bias kong team at sa San Mig.
I’m actually not affected sa mga memes na iyon. Nag-champion ang SMC, okay. Back to back to back and many more back!
Malakas ang team nila, it was obvious. Hindi naman sa ayaw ko sa San Mig bilang isang team. Actually, okay sila pero you know that feeling? Die hard na talaga ako. Loyalista kumbaga. Si PJ Simon, ang gustong-gusto kong player sa kanila. Ang humble kasi ng mukha. Pero hindi yun enough para magustuhan ko ang buong team.
Sabi ng pinsan ko e, nilangaw daw ang finals. Kung ako tatanungin e, after malalag ng Ginebra sa playoffs. Hindi na ako nanuod. SVL at Palarong Pambansa na lang ang piangka-abalahan ko. Inaasahan ko kasi na magtatapat ulit ang Alaska at Ginebra sa finals, pero inasahan ko lang pala.
Nagchampion ang SMC. Pero ang daming comments. Refereee Magic daw. Benta chuchu. But for me kahit solidong Ginebra ako e, I can see that they deserve the trophy. After all the hardships. Pero nakakapanghinayang talaga ang TNT, wala silang talo. Tapos ayun. Hindi mo talaga masasabi no?
Ang masayang part sa pagiging fan ko ng Ginebra e, yung pagkakaroon ko ng mga kakilalang taga-San Mig Planet. Tina-tag pa nila ako kapag nananalo ang SMC. Na-appreciate ko ‘yon. Pinagkakaabalahan pa nilang asarin ako. Which is not effective dahil immune ako sa mga ganoon.
Governor’s Cup na. Sana ito na ang bagong simula. Triangle defense na tayo mga kabs. Sana mag-three peat champion din tayo at magpunta sa Boracay para magcelebrate.
Babatukan ko ang magsasabing, “Bumili ako sa tindahan ng Gin, kangkong binigay.”
Congratulations San Mig! May planeta kayo? Kami may mga barangay na kapag pinagsamasama kayang bumuo ng sariling galaxy.

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-FictionHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories