Second Chapter //

456 9 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

Second Chapter //
Sensei's Prediction

Kinabukasan, syempre, may pasok ulit. Wala nga lang kaming Foreign Language subject ngayon. Haha. Buti naman. :D

Anong nangyari sa introduction kahapon? Okay naman. Kinain din namin 'yung cheesecake na binili ko. All in all, masaya naman. Masarap kasama 'yung Oliver. Perfect couple sila ni Hannah. <3

Break time namin ngayon at naglalakad na ako papunta sa Cafeteria ng school. Medyo may pagka-mahal nga lang 'yung mga pagkain dito pero affordable naman.

Bumili na ako ng pagkain at humanap ng lamesa. Yup. Mag-isa lang ako. Si Janessa at si Gene, may detention. Si Ashley naman, may inasikaso. Si Hannah, syempre, kasama 'yung Mr. All-Around Nice Guy na si Oliver. HAHAHA. I'm so mean! Palibhasa walang lovelife kaya bitter e.

"Ellice?"
"Sir!"

Napatayo ako sa upuan ko nung biglang bumungad sa harap ko si Sensei. Teacher namin sa Japanese Foreign Language.

"Bakit naman parang gulat na gulat ka na makita ako?"

"W-wala naman po." sabi ko saka ulit ako umupo.

"Bakit ka umalis agad kahapon? May sasabihin pa ako sa 'yo, di ba?"

Bigla akong natigilan. 'Yung tungkol sa pagiging masaya ko kahapon. Ano naman meron dun? Akala ko joke lang 'yun. Nakalimutan ko na nga 'yun eh.

"Ano bang tungkol dun, sir?"

"May nakilala ka bang bagong tao kahapon?"

Napa-isip naman ako. Hmm. Oo, meron. Si Oliver. Bakit kaya?

"Hmm. Yes, sir. Meron po."

'Yung mata niya, nanlaki. Ano ba trip nito ni Sir? Nagsa-shabu ba ito? Adik yata 'to si Sir e. Hala. Baka drug lord si Sir. >/////<

"Babae ba ito o lalaki?"
"Lalaki po."

Ewan ko kung bakit siya nagkakaganito. May inilabas siyang magazine na hindi ko maintindihan ang pangalan. Naloka naman ako. Puro Japanese characters ang sulat. Di ba, sabi ko sa inyo, bobo ako sa Japanese? Sorry naman. Waaaah!

He flipped the pages and showed me something. Parang horoscope style siya pero Japanese kaya wala akong maintindihan. He pointed the date yesterday at ipinabasa sa 'kin 'yung nakasulat.

"Uhm, sir?"
"Basahin mo, hija."
"Eh, kasi, Sir... hindi ko po maintindihan."

'Yung expression sa mukha niya, gulat na gulat. Ehh. Kasalanan ko bang bobo ako sa subject niya? Sorry na, Sir. Huhu. T___T

"You're running for Valedictorian and yet hindi mo alam ang meaning nito?" gulat na gulat na sabi ni Sir.

"Eh. Sorry naman, Sir."

"I'll read it to you. In a group of 40 people--"

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon