Twenty Eighth Chapter //

207 6 3
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twenty Eighth Chapter //
Torture

Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa park. Hindi ko alam kung nandoon na siya, o wala pa, but heck I care. Darating pa rin siya.

Nadaanan ko 'yung bakeshop na parati naming binibilhan ng cheesecake noon. Ang tagal ko na palang hindi nakakapasok dito. Ganoon pa rin ang itsura niya sa labas.

May iniluwa pa rin itong gwapo at morenong lalaki.


I quickly removed my stare from the door and I walked away as fast as I can. Mukha akong hinahabol ng kung sino, but I don't care. I have to be far from him.

"Ellice!"

Shoot! Nakita niya na ako. Takbo, Ellice. Bilisan mo. Hindi ka niya pwedeng mahabol. Hindi kayo pwedeng magkita nang kayong dalawa lang.

Baka makalimutan mo 'yung plano mong iwasan siya.

"Got you!"

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang kamay ni Oliver na humawak sa braso ko.

"Ellice..."

My knees trembled. Shit na malagkit naman! Pagbanggit niya pa lang sa pangalan ko, nanlalambot na ako. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nawa'y hindi ko sukuan ang misyon 'kong iwasan siya.

He made me face him. I couldn't meet his eyes. Pilit niyang sinasalubong ang mga mata ko, but I'm trying my best to avoid his gaze. Alam ko kasi na once na magkasalubong ang tingin namin, mayayakap ko lang siya.

"Ellice, what's wro--"

"OLIVER!"

I sighed in relief. Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Hannah na nagmamadaling makalapit sa amin ni Oliver.

"Bakit ang tagal mo?" she said, sabay kapit sa braso ni Oliver na akala mo naman ay aagawin ko sa kanya, at pagkatapos ay lumingon siya sa 'kin, "Ellice."

"Naglalakad na ako papunta sa park. Hindi ko sinasadyang magkita kami, okay?" I told her as immediately as possible, then I turned my back on them.

Sumakay ako ng jeep papuntang park. Ayoko silang maka-sabay sa paglalakad at baka makapatay ako sa sobrang ka-bitter-an.


Pero, tangina lang. Dati, kapag nagkikita kami, pwede ko siyang sabayan. Dati, kapag nagkikita kami, nagmemeryenda kami doon sa bakeshop. Dati, kapag nagkikita kami, masaya kaming maglalakad papunta sa park. Dati, kapag nagkikita kami, mapagkakamalan mo pa kaming mag-syota sa sobrang ka-sweet-an namin.

Napatawa ako ng mahina.

Dati 'yun, Ellice. Hindi mo na maibabalik 'yun. Pinili mo 'yung kaligayahan niya, kahit ikaw pa 'yung masaktan. Pinili mong makita 'yung ngiti niya, kahit ikaw parati 'yung uuwing luhaan. Pinili mong magpakabayani at bitawan siya kasi alam monh 'yun ang ikasasaya niya.




Pero, 'di ba, sabi mo, kapag masaya si Oliver, masaya ka na rin?


The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon