Thirty First Chapter //

207 7 14
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ❣

Thirty First Chapter //
Awaken



Oliver's POV







"Mahal kita."







Shit.








"Mahal kita, noon pa."








Tang ina.






Simula pa kaninang iniwan ako ni Ellice sa labas ng bahay nila, umiinom na ako. Who knows kung nakaka-ilang bote na ako, but I don't care. Kahit pa yata maka-isang balde ako ng alak, hinding-hindi mabubura sa alaala ko lahat ng salitang binitawan ni Ellice kanina.






Nakaka-gago. O ako ang gago?





"Oliver, tama na 'yan. Kanina ka pa dyan, nakakarami ka na," saway sa 'kin ng kaibigan ko, si Jay. Pamilya niya kasi ang may-ari ng bar kung saan ako naglalasing ngayon, "buti kung nagbabayad ka."




Nagawa ko pa talagang magbigay ng background sa pamilya ni Jay. Gago ko talaga.





"Gago, magbabayad ako. Hayaan mo na 'ko," pagmamatigas ko sabay lagok ulit sa laman ng baso ko, "ngayon lang 'to."






"Ano bang problema?" tanong ni Jay habang nagsasalin na rin siya ng alak sa sarili niyang baso.




"Problema? Sus, wala," sabi ko, ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mata ko, "pre, may tanong ako."




"Ano?"




"Bakla bang tignan kung iiyak a-- shit," napamura na lang ako dahil may babaeng naka-bangga sa 'kin. Natapon tuloy 'yung laman nung hawak 'kong baso. Buti kung sa lamesa natapon, kaso sa damit ko 'e. Hassle.



"S-sorry," sabi niya sabay nagmamadaling umalis sa harap ko at pumwesto sa kabilang side ng mahabang counter na inuupuan ko. Yukong-yuko siya. Nakatalikod din siya sa 'kin. Siguro, nahihiya sa pagkaka-bunggo niya sa 'kin.




Hindi ko na siya pinansin dahil kahit ano namang gawin ko, hindi na matatanggal ang stain ng alak dito sa shirt ko.



"Ano nga ulit 'yung tanong mo?" pagbabalik ni Jay sa topic namin kanina. Tsismoso rin 'tong hayop na 'to 'e.



"Wala, never mind," sabi ko, sabay inom ng kasasalin ko lang na laman ng baso ko, "pero, pre, pa'no mo malalaman kapag naka-move on ka na sa ex mo?"




Tinawanan lang ako ng malakas ni Jay. Napapunas pa siya sa labi niya dahil halos maibuga niya 'yung laman ng bibig niya, "ano bang nakahalo dyan sa inumin mo at out of nowhere ang pagtatanong mo ng ganyang bagay? Ang cringe-worthy, bro," pang-iinis niya, sabay tuloy sa pagtawa.




"Hayop ka," sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya, "mahirap bang sumagot ng maayos? Hilig mong mang-inis 'e, 'no? Leche ka."




Iiling-iling si Jay habang umiinom ulit sa baso niya, "seryoso na. Simple lang sagot dyan, pre," sabi niya, sabay putol sa salita niya, para siguro may pa-intense effect, "naka-move on ka na sa kanya kung..."









"Tang ina, pre. Kailan mo tatapusin 'yang sinasabi mo?" pikon 'kong sagot sa kanya.








"De, 'eto na," tatawa-tawang sabi ni Jay, "alam mong naka-move on ka na kung... hindi na siya 'yung dahilan kung bakit ka umiinom ngayon."







The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon