First Chapter //

741 18 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

First Chapter //
The Announcement

"Good morning, guys!" Sigaw ko pagkapasok ng room.

"Good morning. Good vibes si Ms. President, ah?" Sagot sa'kin ng isa sa mga kaklase ko.

"Of course. As always. Hahaha."

Umupo na ako sa upuan ko at agad-agad namang tumabi sa'kin ang buong barkada ko.

"Bakit ang saya mo?" tanong sa'kin ni Ashley.
"Lagi naman ako masaya e."
"Weh? Para namang wala tayong pinagsamahan." pangongonsensya ni Gene.
"Oo nga. Wala talagang dahilan. Promise." I smiled at them.
"Promise?" tanong ni Janessa.
"Yup."

Lumayas na din sila sa upuan ko pagkatapos. Grabe! Sobrang paranoid nila. Kapag masaya ako, dapat ba, may kakaibang dahilan? Hindi ba pwedeng ang sarap lang talaga ng almusal ko kanina?

"Good morning, class!"
"Good morning, ma'am!"

Pagkatapos ng greeting ay umupo na din kami kaagad.

"Okay. Who wants to give a sample of basic French statement?" sagot ng Foreign Language professor namin. Yup. We have that subject.

I raised my hand in mid-air, "Moi, mademoiselle!"

Tumayo ako, "Bonjour tout le monde! Comment alley vous? Je t'aime, monamie."

(A/R: Good morning, everyone! How are you? I love you, my friend.)

Umupo na ako pagkatapos ko magsalita. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko at si ma'am.

"Mukhang inspired yata ang Class President niyo ngayon?" pang-iinis ni ma'am.
"Hala! Hindi po!"

Tinawanan lang ako ni ma'am. Bakit ganun? Ang paranoid nila. Bawal na ba akong maging masaya ng walang dahilan?

Ay, oo. Bawal. Para pala akong baliw nun pag nagkataon. =___=

Nagpatuloy lang ang aming French lesson nang maramdaman 'kong nag-vibrate ang cellphone ko...

1 new message
From: Hannah <3

Important announcement later. Punta kayo sa park ng 5pm. May sasabihin ako sa inyo. :)

OMG! Hindi kaya...

Napatingin ako sa upuan ni Hannah at nagkasalubong kami ng tingin. Nginitian ko siya at nginitian niya din ako.

"Omg!" I mouthed.
"What?" She replied.
"Is that about...?"
"Sshh."
"Omg!" Napalakas ang pagkakatili ko kaya napatingin sa'kin ang buong klase.

"Uhh... omg! Ang ganda ng pronounciation niyang word na iyan. Nakaka-sosyal. Bet na bet ko 'yan."

Ang galing 'kong lumusot. Haha. Eh kasi naman! Kinikilig ako kay Hannah. For sure, naku. Alam ko na ang ia-announce niya. Omg! I'm so excited and I'm so kilig!

Our Japanese class follows. Actually, mas prefer ko ang French than Nihonggo. But still, wala akong choice kundi makinig because our exams are so malapit na.

Finally, after 45 minutes of nakakadugong Japanese lesson, matatapos na din ang subject na ito. Haha.

"Oh class, before I forgot. May itatanong ako sa inyo..."
"Ano 'yun, sir?" tanong ni Gene.
"Sino sa inyo ang pinaka-masaya ngayong araw?"

Hinahanap niya 'yung pinaka-masaya pero nakabusangot naman siya. Nakakaloka!

"Tinatanong pa po ba iyan? Syempre, sir, si Ellice!"
"Ellice?" Tumingin sa'kin si Sir.
"Ah. Yes, sir. Kaninang umaga pa po ako masaya. Parang pakiramdam ko po, ang gaan-gaan ng buhay. Parang wala po akong kahit na anong problema. Parang ang gaan-gaan ng lahat. Para akong lumulutang. Basta, ang saya-saya ko ngayong araw na ito, sir. Bakit po?"

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon