Seventh Chapter //

239 9 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Seventh Chapter //
Keep Believing

Nandito ako ngayon sa loob ng bahay. Walang magawa. Nabuburyong ako.

Tinawagan ko naman 'yung mga bruha 'kong kaibigan. Lahat sila, hindi pwede. Napaka-boring na dito sa bahay.

Si Oliver kaya?

I shook my head. Huwag na lang, Ellice. Baka mamaya, isipin nun, masyado na akong nakaka-istorbo.

Balik na lang kaya ako sa Japan? Nandoon pa naman sila mommy eh.

I shook my head again. Baka mamaya, tumawag na naman si Oliver at sabihing magsu-suicide na siya dahil sa sobrang pagka-miss niya kay Hannah.

At para ko na namang sinampal ang sarili ko ng isang masakit na katotohanan.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi ko alam kung anong pwede 'kong gawin.

Binuksan ko na lang ang laptop ko at nag-browse sa mga files ko.

Sukat hindi din ako makakapag-sulat dahil kakatapos ko lang mag-pasa ng manuscript.

In-exit ko na ang files ko at nag-Facebook na lang.

Sa hindi ko malamang kadahilanan, puro James Oliver Santiago ang laman ng News Feed ko.

Puro hugot niya kay Hannah.

Curious kayo? Bigyan ko kayo ng sample...

James Oliver Santiago - feeling frustrated

Miss na miss na kita. Ay, oo nga. Wala ka na nga palang pake sa'kin.

Sus. Imposibleng mawalan ng pake sa kanya si Hannah. I know she's doing this for one good reason.

But what the heck is that reason?

James Oliver Santiago - feeling crazy

Tag ko tropa 'kong hindi maka-move on sa ex niya? Wait lang. Tag ko sarili ko. Hahaha. XD

Nababaliw na nga talaga itong lalaking 'to. Ang lakas ng tama kay Hannah tsaka sa utak.

Nagulat ako ng biglang mag-pop ang gwapong picture ni Oliver sa Chat Head.

James Oliver Santiago:
Elliceeee! Nababaliw na akooo! Namimiss ko na si Hannah! Gusto ko siya makita! :'(

Nag-reply naman ako kahit nasaktan ako sa sinabi niya...

Ellice Marie Navarro:
Talaga? Namimiss mo? Eh di i-chat mo. Sus. Basic.

Basic para sa'kin. Eh ikaw nga itong hindi kayang iwasan ang feelings para kay Oliver eh. Tapos basic-basic ka dyan.

James Oliver Santiago:
Chinat ko na nga siya. Kanina pa.

Ito na nga bang ikinakatakot ko. Part of me, masaya na makapag-usap sila. But a bigger part of me, tells me na baka pag nagka-usap sila, makalimutan na ni Oliver na nandito lang ako para sa kanya. Makalimutan niya lahat ng ginawa ko para sa kanya.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon