Fourteenth Chapter //

201 6 2
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Fourteenth Chapter //
Truth Or Dare

Alam mo 'yung pakiramdam na para 'kang lumulutang sa alapaap? Ganoon mismo ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya. Cloud 9, ika nga ng iba.

Kasi, kinikilig ako sa nangyayari eh. Bakit kailangan pa naming mag-panggap ngayon? Wala naman si Ate Olivine.

Hindi kaya?

Nahuhulog na din sa akin si Oliver?

I shook my head but still, there is a big smile on my face.

Hindi man ako mahal ni Oliver, okay lang. At least, kahit once sa buhay ko, naranasan 'kong maging girlfriend ng isang James Oliver Santiago. There is nothing I could ever wish for.

"Why are you smiling?" tanong sa akin ni Oliver habang siya rin ay nakangiti.

"I'm happy. Is there something wrong with that?"

"You're happy? Are you happy na may cancer ang sister ko?"

"No. It's not like that," napayuko ako, "I'm happy na I can make your ate happy."

He patted my head then ginulo niya 'yung buhok ko, "Hindi lang ate ko ang napapasaya mo..."

Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko, "Argh! Huwag 'mong guluhin. Ang tagal 'kong inayos 'yan," I laughed, "Pero ano 'yung sinabi mo?"

He pinched my nose, "Silly! Wala akong sinabi."

"Hey! Oliver! Anong sabi mo?"

"Wala nga. Sabi ko, maganda ka nga, bingi ka naman."

I was taken aback. Oh my gosh! Maganda daw ako. Lalala. Kinikilig ako. Maganda daw ako.

"A-alam 'kong m-maganda ako. Pero, ano 'yung sabi mo kanina?"

"Wala nga. Kulit nito."

Narinig ko siya eh. Sabi niya, 'hindi lang ate ko ang napapasaya mo.' Eh sino pa ba? Pati ba siya, napapasaya ko din?

Oo na. Pakshet. Kinikilig ako. Nakakainis.

"Nandito na pala tayo." sabi ni Oliver at binitawan niya ang kamay ko.

"Ay. Oo nga."

Lumapit ako sa mga kaibigan ko na mukhang kanina pa naghihintay sa aming dalawa ni Oliver.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Gene sa akin.

"Si Ellice kasi, ang bagal-bagal maglakad." sagot naman ni Oliver.

"Wow, ha? Ako pa ang mabagal? Tsaka, hindi naman ikaw ang tinatanong, bakit ka sumasagot?"

"Eh paano ang bagal-bagal mo sumagot. Tsaka totoo namang mabagal 'kang maglakad eh."

"Aba! Ikaw nga itong puro daldal kanina habang naglalakad kaya ang tagal tuloy nating nakarating."

"Ikaw kaya!"

"Ikaw!"

"Panget ka!"

"Mukha 'kang unggoy!"

"Wow, guys! Baka nakakalimutan niyo na may kasama kayo dito?" sabi sa amin ni Ashley sabay tingin sa amin ng nakakaloko.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon