Eighth Chapter //

199 10 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

Eighth Chapter //
A Big Mistake

Ellice Marie Navarro:
Please, Hannah? Nagmamakaawa ako sa'yo.

Hannah Mae Lee:
Ellice naman eh.

Ellice Marie Navarro:
Akala ko ba hindi ka apektado? Eh bakit iniiwasan mo kami? Hindi ka naman namin kekwestyunin eh. Nirerespeto namin ang desisyon mo.

Matapos i-seen ni Hannah ang huling chat ko, nag-log out na siya. L

Naalala ko 'yung text sa'kin ni Oliver kaninang umaga...

From: James Oliver Santiago
Hey! Good morning. Salamat, ha? Hindi mo alam kung gaano mo ako ka-napasaya at kung gaano mo ka-napagaan ang loob ko kagabi. Sobrang laking pasasalamat ko dahil merong Ellice sa buhay ko. Maraming salamat sa pagkanta mo para sa'kin. Sobrang maraming salamat din kasi lagi kang nandyan. Huwag mo akong iiwan, ha? Dyan ka lang. XD Pero, kidding aside, salamat. Napaka-buti mong kaibigan. :)

PS. Hindi pa din nagrereply si Hannah. Nakakamiss yung panget na yun. Sana makita ko na siya. :(

'Yan ang text ni Oliver sa'kin ni Oliver kaninang umaga. Kaya eto ako ngayon, kinukumbinsing pilit si Hannah na sumama sa amin sa park mamaya.

Lahat na ng pride, nilunok ko. Kahit ariel, tide, champion o surf pa yan, lulunukin ko. Kailangan ko lang mapapayag si Hannah na sumama sa'min sa pagtambay sa park mamaya.

Bakit ko ginagawa ito? Simple lang. Gusto 'kong mapasaya si Oliver. Oo. Pangangatawanan ko ng todo-todo 'yung pagiging mabuting kaibigan ni Oliver. Isa na din ito sa mga sinasabi 'kong gagawa ako ng paraan para makapag-usap sila ng matino.

At sana, ito na din 'yung huli dahil swear, ang sakit-sakit. Sobra.

Bababa na sana ako para mag-tanghalian kaso napansin ko na umilaw ang phone ko...

At nagulat ako dahil nag-chat si Hannah...

Hannah Mae Lee:
Okay, fine. 5 pm. Sa park.

Pagkatapos 'kong basahin 'yung message niya, isa lang ang naramdaman ko...

My heart sank.

***

From: Oliver </3
Uy! Thank you sa ginawa mo, Ellice, ha? Tatanawin 'kong utang na loob to. Ano ba pwede kong gawin para makabawi ako sayo?

To: Oliver </3
Next time ka na magbayad. Sabi ko naman sayo, I'm always here for you.

Hindi na yata siya nakapag-reply dahil sa sobrang excitement.

Ako? Excited ba ako? Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam.

Ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Hindi ko din alam kung pupunta ba ako mamaya.

I shook my head. Natural, Ellice. Kailangan magpunta ka. Una, ikaw ang nag-aya. Pangalawa, sabi mo kay Oliver, hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari.

Kaya dapat, ano man ang mangyari mamaya, maganda man o hindi, kailangan nandoon ka pa rin sa tabi niya.

***

4:30 pm na ako lumabas ng bahay para maglakad papuntang park.

Hindi ako umalis ng bahay ng maaga dahil hindi naman ako excited. Hindi ako nagmamadaling makarating sa park dahil alam 'kong hindi ko gugustuhin ang mga magaganap mamaya.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon