Twenty Ninth Chapter //

292 8 3
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ❣

Twenty Ninth Chapter //
Rain or Tears

I woke up with a headache. I don't remember anything except I passed out in front of Oliver.


Oh, shiz. Naalala ko na naman.



"Uy! Ayos ka na?"


"Charm..."


Charm is my best friend. Hindi kami schoolmates. Sa ibang eskwelahan siya nag-aaral since hindi siya pumasa sa Entrance Exam ng school namin. Hindi ko alam kung paano siya napunta rito o kung paano niya nalamang nandito ako sa ospital.


"Ashley texted me. Ano bang nangyari?" she asked me with the word 'worried' on her face.


"Get me out of here. Ang OA naman. Natamaan lang ako ng bola at napilay lang ng kaunti, ospital kaagad? Ayoko rito!" I told her.



"Okay, okay. I'll get you out, but promise to tell me everything. Everything, okay?" she bargained, while emphasizing the word 'everything.'



I just nodded dahil pakiramdam ko ay kailangan ko rin ng kausap. I can't tell Ashley, Gene, and especially Hannah how I really feel. It's so good to have a best friend that is not studying om the same school with you.




Nang makalabas kami ng ospital ay dinala ako ni Charm sa bahay nila. Hindi ako umiimik sa buong biyahe. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko 'yung mukha ni Oliver bago ako himatayin. He looks so damn sad. And I badly wanted to hug him, pero hindi ko na tinuloy.



Napapikit ako. Ito na naman ako. I am always protecting his heart, and again, I ended up breaking my own. Ito talaga siguro ang role ko sa buhay niya. Kaya siguro ako nag-exist sa buhay niya. To be his heart's hero. Para hindi siya masaktan. Ganito siguro talaga. I should just accept this damn fact.




"We're here."



I'm so deep in my thought that I didn't noticed na nandito na pala kami sa bahay ni Charm. We went inside at dumiretso ako sa kwarto niya, while she went to the kitchen. Nagulat ako nang pagpasok niya ay may dala siyang dalawang bote ng Soju at ilang snacks.



"I bet you need these drinks. Minsan lang naman 'to," she said, as if she had read my mind.



I laughed, "gaga ka talaga! Sira na nga puso ko, pati liver ko, sisirain mo pa."



Binatukan niya ako, "oa mo. Soju lang 'to."




Wala na akong nagawa pa dahil binuksan niya na 'yung dalawang bote at pinagtig-isahan.



"Okay, spill the beans," she said excitingly.



"There's nothing to tell," I said then I breathed deeply, "except that my heart is seriously breaking."



Charm hugged me as I continued speaking, "Charm, bakit ganito? Bakit akala ko, ready akong masaktan ng ganito? Bakit akala ko, kaya kong protektahan 'yung puso niya hanggang dulo, pero bakit? Bakit sa tuwing nakikita ko 'yung mata niya na nakatitig sa 'kin, nanlalambot ako at gustong-gusto ko siyang yakapin? Gustong-gusto ko nang bawiin 'yung naging desisyon ko. Bakit?"



Charm did not say anything, and I didn't expect her to. Okay na sa 'kin na naka-yakap siya sa 'kin ngayon, habang nailalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.



The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon