Fourth Chapter //

273 10 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Fourth Chapter //
Confused

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakapa-bilog habang naglalaro ng card game. Kinakain na din pala namin 'yung chocolate cake na napagtripan 'kong i-bake kanina.

"Ang sarap talaga nitong chocolate cake na ginawa mo, Ellice." sabi ni Oliver.

"H-ha? Ah. S-salamat."

Kanina pa ako lutang. Sobrang lutang. Nakakainis. Ang gulo-gulo ng utak ko. Sobra.

Ilang beses na din akong natalo sa card game na nilalaro namin.

"Ellice? Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Ashley.

"H-ha? Ah. Oo. Okay lang ako. Bakit?"

"Namumutla ka." sabi naman ni Gene.

"Inubos niyo kasi 'yung chocolate cake ko eh."

"Inalok ka namin, sabi mo, ayaw mo." sabi naman ni Hannah.

"G-ganun ba? S-sige. Restroom lang ako."

Dumiretso lang ako sa restroom ng kwarto ko. The moment I stepped inside, I burst into tears. Why? I don't know why.

Si Oliver. Gusto ko si Oliver. Girlfriend niya si Hannah. Bakit ba kasi ako nagkagusto kay Oliver?

At bakit ganoon kabilis?

I wiped my tears. Mabilis. Kaya siguradong kaya ko pang pigilan. Tama! Kaya ko pang itigil itong nararamdaman 'kong kagagahan.

Naghilamos muna ako at saka ako lumabas.

"Bakit namumugto ang mata mo?" tanong agad sa'kin ni Oliver.

"Ano, kinagat ng ipis."

"Kinagat ng ipis? Maniniwala sana ako kung hindi ko lang alam ang itsura ng bahay mo."

"Bakit? Imposible bang magka-ipis dito?"

"Oo." he smiled.

Bumalik ako sa upuan ko kanina at nakipag-laro sa kanila. I'm back! My usual self is back. Hindi na ulit nila ako matalo.

3 pm na ng mapagod kami sa paglalaro at ginutom.

"Manang!" tawag ko.

"Yes, Ellice?"

"Padalhan naman po kami ng meryenda."

"Sige. Walang problema."

Lumabas na si manang sa kwarto ko. Nakahiga kaming lahat sa kama ko. And yes, kasya kaming lahat.

Nagulat ako nang biglang may tumabi sa'kin.

"O-Oliver! Lumayas ka nga dyan sa likod ko."

"May tatanong ako sa'yo..." seryosong sabi niya.

"Ano?"

"Bakit ka umiyak kanina?"

"Wala kang pake."

"Eh di tama nga ako! Umiyak ka nga!"

Natauhan naman ako, "H-ha? M-may sinabi ba ako?"

"Indirectly, yes, meron."

Humarap ako sa kanya para sana matarayan ko siya, kaso...

Shit. Wrong move.

So, ngayon, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nakita 'kong nagulat siya sa nangyari pero nakabawi naman siya agad at ngumiti.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon