Twenty First Chapter //

184 6 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twenty First Chapter //
Love or Friendship

Morning came. Bumangon ako sa higaan ko habang naka-ngiti.

Dumiretso ako sa dining room at nakita ko si mommy doon na naghahain ng breakfast.

"Good morning, ma!" I told her with a smile and I kissed her on the cheek.

"Good morning! Good mood ang prinsesa ko, ah? May nangyari bang maganda sa inyo ni Oliver kagabi?"

I blushed, "W-wala p-po."

Mom giggled, "Nako. Huwag 'kang masyadong masaya. Baka matinding kalungkutan kapalit niyan," then she laughed.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako. May pasok na ulit mamaya at natatakot ako...

Natatakot ako na baka kapag nakita na ni Oliver si Hannah, makalimutan niya na 'yung sinabi niyang mahal niya ako.

"Huy, joke lang!" sabi ulit sa akin ni mommy ng mapansin niyang natahimik ako at hindi naka-sagot.

I just smiled at her.

Sana. Sana, Lord, walang magbago.

***

Ilang minuto na akong nakatitig sa labas ng school namin. Ayaw ko pang pumasok. Pinagtitinginan na din ako ng ibang estudyante.

"Ms. Navarro? Bakit hindi ka pa pumapasok? Our class is about to start."

Nagulat ako ng bigla akong tapikin ng professor namin sa French Foreign Language. 'Yun kasi ang first subject namin ngayon.

"A-ah. Y-yes, m-ma'am. Papasok na po ako."

Pumasok ako ng school at dumiretso sa classroom namin.

"I've already moved on because I love you now."

I closed my eyes as I breathed deeply. Panghahawakan ko na lang siguro 'yung sinabi ni Oliver kagabi. Wala naman sigurong masama na maniwala sa kanya, di ba?

At ano ngayon kung makita ko ulit si Hannah? Hindi ko naman inagaw si Oliver sa kanya eh. Kusa niyang iniwan. Binitawan niya.

Sinalo ko lang.

***

Ayos naman ang naging takbo ng first subject namin hanggang lunch time.

And as expected, si Janessa, Ashley at Gene ay nasa harapan ni Hannah at tinatanong siya kung bakit nga ba niya biglaang binitawan si Oliver.

"Bakit mo ba kasi siya biglang iniwan? Alam mo ba kung anong naging epekto sa kanya nun?" tanong ni Gene.

"Tuliro. Nawalan siya ng ganang mabuhay. Sino ba ang may mali? Ikaw? O siya?" sabi naman ni Janessa.

"Baka pwede mo namang sabihin sa'min kung anong problema? Kasi wala kaming kahit konting idea kung bakit bigla kayong nagka-sira." narinig 'kong tanong ni Ashley.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon