The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥Twenty Second Chapter //
Pain of Moving OnKasalukuyan pa rin akong nasa loob ng sasakyan ko. Kahit alam ko na may klase na kami sa loob, hindi na ako pumasok. Wala na ako sa mood.
At ayoko na rin makita si Hannah at si Oliver na masayang naglalambingan.
Malamang, nakapag-usap na 'yung dalawang 'yun. Malamang nga, sila na ulit eh.
At ako? Wala. Talo ako. Ang tanga ko naman kasi eh. Hindi ko pinigilan 'yung puso ko sa pagtibok. Bwisit. Tuluyan tuloy nahulog kay Oliver, knowing full well na hinding-hindi niya kayang ibalik 'yun.
Paulit-ulit 'kong hinahampas 'yung manibela para makapag-labas ng lungkot at sakit. Tuloy-tuloy pa rin ng pag-agos ng luha sa mata ko. Paminsan-minsan pa'y, nagagawa ko rin na sumigaw dahil wala namang makakarinig sa 'kin.
Binuksan ko ang makina ng sasakyan ko at nag-drive na paalis sa school. Baka kasi may maka-huli pa sa 'kin, cutting 'yun.
Sobrang bilis ko magpatakbo. May busina nga rin akong narinig. Pakiramdam ko'y, traffic enforcer iyon at hinuhuli ako dahil over speeding ako.
Pero, wala akong pakelam. Hindi ko nga din alam kung saang lupalop ng Pilipinas ko pinapa-andar 'yung sasakyan ko eh.
Ang alam ko lang, sinusubukan 'kong takasan ang sakit.
Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko, halos mapudpod ang gulong ng sasakyan ko dahil sa biglaan 'kong pag-hinto.
Shit. Nakasagasa yata ako.
Lumabas ako sa sasakyan ko at dali-daling nilapitan 'yung babaeng nabundol ko.
"Miss? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko doon sa babae.
"Do I look like I'm f*cking okay?" nagmamalditang tanong sa 'kin nung babae.
Inalalayan ko siyang tumayo, "eh 'di tara! Dadalhin kita sa hospital." sabi ko habang pinapagpag ko 'yung damit niya.
"Hospital? Tsk." sabi niya sabay ngiwe, "dalhin mo na lang ako sa mall. Magsasaya ako doon."
Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Mall? Sigurado ka ba na walang masakit sa 'yo?"
"Meron," sabi niya sabay turo sa puso niya, "dito."
Agad-agad 'kong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Tumango na lang ako at pinasakay ko siya sa sasakyan ko. Parehas lang naman kami ng pinagdadaanan. Birds of the same feathers flock together talaga.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos namin makasakay sa kotse.
"Racquelle." simpleng sagot niya sa 'kin saka siya pumikit at nagsimulang matulog.
Aba nga naman itong babaeng 'to, oh! Libreng hatid na nga hanggang sa mall, makikitulog pa. Grabe, napakaraming guts nitong babaeng 'to sa katawan.
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Boyfriend
Romance"She's not a literal matchmaker but she found a way to match the both of us..." Pagkatapos ng lahat ng naganap na iyakan at masasakit na pangyayari, hindi inaasahan ni Ellice na pwede pa palang maging mas kumplikado ang sitwasyon. Madaming nasaktan...