Twenty Fifth Chapter //

184 6 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twenty Fifty Chapter //
Avoidance is better than Cure

"Always remember. No matter what happens, avoid him. Hindi lang dahil sa kasunduan niyo ni Hannah, kundi para na rin sa 'yo. Para hindi ka na masaktan."

I sighed. Naalala ko na naman kasi 'yung mga bilin sa 'kin ni Racquelle bago ako magpunta dito sa party ni Ate Olivine.

So far, successful naman ang pag-iwas ko kay Oliver. Palagi akong umiiba ng landas sa tuwing nararamdaman 'kong palapit siya.

Kaya lang, ang sakit.

Kung hindi kaya nagpasukan, ako kaya ang date ni Oliver ngayon? Kung hindi niya kaya nakita ulit si Hannah, ako kaya ang mahal niya ngayon?

I breathed deeply.

Baka nakakalimutan mo? Nasabi niya lang na mahal ka niya, dahil namimiss niya si Hannah. Nasabi niya lang na mahal ka niya dahil ikaw ang lagi niyang kasama.

Nalito lang siya.

Tang ina.

Ang sakit naman.

Kasi umasa ako. Kasi alam mo 'yun? Ang tagal ko nang gustong marinig 'yun sa kanya eh! Tapos nung narinig ko, ano, joke lang pala?

Tang ina talaga! Sobrang sakit. Ang sakit, sakit.

"Enjoying the party?"

Halos mabulunan ako dahil sa biglaang pagsasalita ng isang lalaki sa tabi ko.

Dugdugdugdug.

Pinagmasdan 'kong mabuti ang lalaking nasa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na naka-Black and White theme outfit pala siya. Malayong-malayo sa kulay Pink na dress ni Hannah.

Tsaka, bakit parang ang gwapo niya lalo ngayon?

I slowly breathed deeply.

"Kanina, oo. Ngayon, hindi na."

"Bakit? May problema ba?" he asked me, with his voice full of genuine concern.

Lord, please give me strength na gawin ang plano ko.

I looked at him straight in his eyes, "kasi nandito ka sa tabi ko kaya nasira ang gabi ko."

Then I walked out. Hindi niya ako hinabol. I think, shocked pa rin siya sa sinabi ko sa kanya.

I immediately rushed to the comfort room para doon mag-iiyak.

I pushed myself inside one of the cubicles na nandoon at nagsimulang mag-iiyak.

Nakaka-frustrate na.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon