The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥Sixth Chapter //
Lost and FoundHindi lang ang relasyon ni Oliver at ni Hannah ang apektado dahil sa paghihiwalay nila.
Syempre, pati na din ang pagkakaibigan naming lima. Hey! Don't get us wrong. Hindi kami galit sa kanya. Wala kaming karapatang magalit sa kanya.
The thing is, iniiwasan kami ni Hannah. She maybe knows that we will bombard her with questions kaya hindi siya nagpapakita sa'min.
Nirerespeto ko naman si Hannah. Wala akong karapatang mangelam sa desisyon niya. Ang gusto ko lang sana, malaman ko kung anong dahilan nang pakikipag-hiwalay niya kay Oliver. Naniniwala akong hindi iyon ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan si Oliver. Alam 'kong may mas malalim na dahilan.
Kung ano 'yung dahilan na 'yun? Hindi ko alam.
Nandito ako ngayon sa kwarto at busy sa pagta-type sa laptop ko.
Yup. I am a writer. Dati, sa isang site lang. Ngayon, official writer na ako ng isang sikat na publishing company.
1 new message
Janessa <3Park? Later? 5 pm? Ako, si Ashley, si Gene at si Oliver nandoon.
Kahit nagtataka, I immediately replied, yes. Hobby na kasi naming magkakaibigan na tumambay sa park. Dati kami lang. Nung naging si Hannah at Oliver, kasama na namin si Oliver.
Ngayon namang nag-break sila, si Hannah naman ang hindi kasama.
I sighed. Bakit ganoon? Ang buhay parang life.
Nasa kalagitnaan ako sa pagta-type ng Chapter 36 ng story ko nang mabigla ako sa pagriring ng cellphone ko...
Incoming call...
James Oliver SantiagoO to the M to the G. Bakit tumatawag si Oliver?
Mali, Ellice. Dapat ang tanong mo sa sarili mo, bakit ka kinikilig?
Sinagot ko 'yung tawag, syempre. Alangan namang hindi ko pansinin tawag niya, di ba?
"H-hello?"
Dyusmiyo, Ellice. Bakit ka nauutal?
"Hi, Ellice. How are you?"
"I'm fine. Thank you."
I heard him chuckled sa kabilang linya, "Para ka namang kindergarten na tinanong ng teacher."
I pouted kahit alam 'kong hindi niya naman nakikita, "Eh! Bakit ba? Nangengelam ka?"
"May hihingin lang sana akong pabor sa'yo..."
"Ano na naman 'yun?"
"Pwede bang pag nagpunta ka doon sa park mamaya, huwag 'kang mag-kotse?"
"Huh? Bakit naman?"
His voice suddenly became uneasy, "W-wala lang. Kung okay lang naman."
"Okay lang. Sige. Hindi ako magko-kotse."
"Thanks, Ellice. The best ka talaga! So, yeah. See you later."
Tapos binaba na niya 'yung phone. Kaloka. Bakit kaya ayaw niya akong pag-kotse-hin? Ayaw naman sabihin kung anong dahilan. Inaatake na naman siguro ng kasaltikan 'yung abnormal na 'yun.
***
By 4 pm, lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa park. Hindi naman ganoong kalapit at hindi din naman ganoong kalayo 'yung park mula sa'min. Tama lang. Kaya namang lakarin pero pag tinatamad ako (which is, madalas) nagko-kotse ako.
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Boyfriend
Romantiek"She's not a literal matchmaker but she found a way to match the both of us..." Pagkatapos ng lahat ng naganap na iyakan at masasakit na pangyayari, hindi inaasahan ni Ellice na pwede pa palang maging mas kumplikado ang sitwasyon. Madaming nasaktan...