Eighteenth Chapter //

184 9 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Eighteenth Chapter //
Stolen Moment

"Congratulations, ma'am and sir. Here's your prize." sabi nung staff at inabot sa amin 'yung prize namin.

"May banyo kayo dito? Magpapalit lang po kami." sabi ni Oliver.

"Doon, sir." sabi nung staff then tinuro sa amin 'yung way papunta sa restroom.

Binigay sa akin ni Oliver 'yung lahat ng pang-babaeng damit at accessories nung aming couple everything.

"Wear this." he said then winked.

Dyusko. Naglipana na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa lintik na kindat na 'yan.

Nagbihis ako at tumingin sa full-length mirror na nandoon sa loob ng banyo. Napangiti naman ako sa itsura ko. Ang cute ko.

Paglabas ko ay nandoon na si Oliver. We look like a real couple. Bagay na bagay na bagay kami.

"Photo booth ulit tayo!" sabi ni Oliver sabay hatak sa akin papunta sa Photo booth.

***

"What do you want for our last ride, Ellice?" tanong ni Oliver pagkababa namin sa Roller Coaster.

"Kung maka-last ride ka naman, parang hindi na ulit 'to mauulit."

"Well, matatagalan pa. May pasok na tayo bukas." sabi ni Oliver.

Oo. Tama kayo ng rinig. May pasok na ulit bukas.

Inaamin ko. Natatakot ako. After a long time, magkikita na naman kami ni Hannah. Magkikita na naman sila ni Oliver. Natatakot ako. Natatakot ako na baka magka-ayos na sila at makalimutan na ako ni Oliver.

This night is a stolen moment for Oliver and me. Wala naman kaming karapatang mag-sama ng ganito dahil hindi kami eh.

But I don't care. I'd rather steal every moment with him than any other precious objects. Moments like this are much precious than anything.

I sighed, "Oo nga pala."

"Don't be sad. Enjoyin na lang natin ang last ride natin for tonight." he said then he smiled.

I smiled at him too, "Sure. Ferris Wheel tayo."

"Eh? Pambata!" sabi ni Oliver.

"No. That's what I want. Kung gusto mo humanap ka ng ibang ride, ako na lang mag-isa ang sasakay!" I told him.

I heard him chuckled, "Hindi kita iiwan, syempre." then he held my hand at hinatak ako papunta sa Ferris Wheel.

Napangiti na lang ako. Sana totoong kami na lang ni Oliver. Siguro, kung ako ang minahal ni Oliver, ang saya siguro namin.

Napapikit ako. Kaya lang, imposible. Bukas, matatapos din ang lahat ng ito. Makakalimutan niya na ako dahil magkikita na ulit sila ni Hannah. Natatakot ako.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon