Ninth Chapter //

179 9 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

Ninth Chapter //
Sleep over

"Pwede ba akong matulog sa bahay niyo?"

Kahit magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman ko ay pumayag pa din ako, "H-ha? Ah. Oo naman. Halika, pasok ka."

Pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod na din naman siya.

"Mommy mo?" tanong ni Oliver.

"Wala. Nasa Japan pa. Kasama kapatid ko. Hinihintay pa yata nila ang pag-full bloom ng Cherry Blossoms."

Napakamot siya sa ulo, "Sorry, ha? Kung hindi dahil sa'kin, sana nakita mo din 'yung pag-full bloom ng Cherry Blossoms."

"Okay lang 'yun, baliw. Pwede naman akong bumalik sa isang taon."

He smiled, "Alam mo, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko."

"Tse! Dami 'mong alam."

Dami niyang alam? Eh hindi niya nga alam na kinilig ako sa sinabi niya eh.

Dinala ko 'yung mga pinamili ko sa 7/11 sa kusina. Nilabas ko 'yung dalawang cup noodles at nilagyan ito ng mainit na tubig. Tapos, nilagay ko 'yung mga snacks sa ref tapos 'yung ice cream sa freezer.

Iniwan ko lang si Oliver doon sa living room. Hayaan mo siyang magliwaliw. Kailangan niyang mag-unwind sa sinabi sa kanya ni Hannah.

"Ellice! Gusto 'kong mag-movie marathon!" sigaw ni Oliver mula sa sala.

"Sure. Teka lang. Halika dito. Tulungan mo 'kong magbitbit ng pagkain."

Nagpunta naman si Oliver sa kusina at binitbit 'yung dalawang cup noodles. Dala ko naman 'yung mga chichirya, canned softdrinks at dalawang gallon ng ice cream.

Umakyat kami sa second floor which is nandoon 'yung theater room sa bahay ko. Para siyang home theater. Wide screen. Digital Surround Sound. Para 'kang nasa maliit na sinehan.

Umupo na kami at tinanong ko si Oliver, "Ano gusto 'mong panoorin?"

"Uhm... Pitch Perfect?"

"What the--? Akala ko naman action movies and the like. Bakit Pitch Perfect?"

"I love music. And idol ko kaya si Anna Kendrick."

"Tss. So gay."

I heard him chuckled, "Music is not gay."

I ignored him at tinignan ko doon sa code book ang code ng Pitch Perfect at inilagay ito sa controls.

Kung hindi lang ito broken hearted, ipaglalaban 'kong huwag Pitch Perfect ang panoorin. I mean, wala naman akong problema sa Pitch Perfect. Actually, idol ko si Alexis Knapp. Kaya lang, for a guy like him, Pitch Perfect, seriously?

Nagsimula na ang palabas. Tahimik lang kaming nanonood. Ang maririnig mo lang na ingay ay mula sa pelikula, sa pag-nguya ng pagkain at paghigop ng inumin. Panaka-naka'y, naririnig ko ang pagsabay niya sa ilang mga kanta. Pati rin ako ay nakikisabay sa mga kanta.

♪ "Na na na na, come on.
Na na na na, come on.
Pa pa pa pa pa pa pa

Cause I may be bad
But I'm perfectly good at it
Sex in the air
I don't care
I love the smell of it
Sticks and stones
May break my bones
But chains and whips
Excite me
I like it, like it, come on--" ♪

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon