Third Chapter //

299 12 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

Third Chapter //
I still get jealous

Saturday. Tae. Bored na bored na ako dito sa bahay. Wala akong magawa. Gusto 'kong lumayas, wala naman akong pupuntahan. Nakaka-gigil.

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa kusina. Tama! Magbe-bake na lang ako ng chocolate cake!

Sinilip ko ang ref namin at nakita ko naman na kumpleto lahat ng ingredients.

Isa-isa ko ng inilabas ang mga ingredients na kailangan ko at nagsimula na akong gawin 'yung chocolate cake.

Nasa kalagitnaan na ako ng process. I'm in a serious mess. Ang dami 'kong mantsa sa katawan pero okay lang. Ang ganda ko pa din. Lalala.

Natapos ko na ang pagbe-bake at nilalagyan ko na lang ng design 'yung cake. Ohyaz. Mukhang masarap.

"Mukhang masarap 'yan, ha?"

I closed my eyes. Sa pagkaka-tanda ko, bored lang ako at hindi ako inaantok. Bakit nakakarinig ako ng ibang boses?

I sighed. Boses pa ni Oliver.

Tumalikod na ako at nagtungo sa sink para linisin 'yung mga ginamit ko. Ayaw ko naman maka-istorbo sa mga katulong kasi maaga pa. 7 am pa lang.

"Ay. Tinalikuran ako."

This time, napabalik ang tingin ko sa harap dahil sure akong hindi na ako nagha-hallucinate.

"Mukhang masarap 'yan, ah?"

"O-Oliver! A-anong g-ginagawa mo d-dito?"

"I just dropped by. Nasabi kasi sa'kin ni Hannah na dito ka nakatira. Malapit lang kasi ako dito. Dyan lang sa kabilang subdivision."

"Sino namang may pake? At paano ka naman nakapasok?"

"Sa tingin mo, sa kagwapuhan 'kong ito, sino ang maghihinala sa'kin?"

"Sa tingin mo, sa kagwapuhan 'mong 'yan, welcome 'kang pumasok sa bahay ko?"

"Uy! Um-agree siya na gwapo ako!"

Natigilan ako bigla, "W-wala akong sinabi!"

"Sa tingin mo, sa kagwapuhan 'mong 'yan, welcome 'kang pumasok sa bahay ko?" pagmi-mimic niya sa boses ko.

"Oh? Saan naman doon 'yung sinabi 'kong gwapo ka?"

"Basta! Para mo na din sinabi na gwapo ako."

I sighed in defeat. Nakaka-inis 'tong Oliver na 'to.

Tinalikuran ko na lang siya at tinuloy ang paghuhugas ng mga ginamit ko sa pagbebake.

"Uy, penge ako, ah?"

Akmang palapit na siya doon sa cake ng bigla akong sumigaw, "DON'T YOU DARE TOUCH THAT!"

"Hey! You don't need to shout."

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Dyusme. Ellice, pakalmahin mo ang sarili mo.

"Text mo si Hannah. Pati na din si Ashley, Janessa at Gene. Papuntahin mo sila dito kesa naman ikaw lang ang kasama ko dito baka magkasala pa ako."

"Bakit ka magkakasala? May balak ka bang gahasain ako? May nakatagong pagnanasa ka siguro sa akin, no?"

"JAMES OLIVER SANTIAGO! KAYA AKO MAGKAKASALA DAHIL BAKA MAPATAY KITA NG HINDI ORAS KAPAG TAYONG DALAWA LANG ANG NANDITO! NANGGIGIGIL AKO SA'YO! BWISET! DYAN KA NA NGA!"

Tinalikuran ko siya at dire-diretsong umakyat ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang laptop ko at saka ako bumaba.

Pagbaba ko, naabutan ko si Oliver na sitting-pretty sa sofa ko. Aba! At nakataas pa ang paa.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon