The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥Twenty Seventh Chapter //
Face him or notMakulimlim. Barado man ang ilong ko gawa ng sipon dahil sa sobrang lamig, amoy na amoy ko pa rin ang alimuom na nanggagaling sa labas ng bahay. Buti na nga lang at medyo humupa na ang bagyo at medyo nakaka-aninag na ako ng liwanag ng araw.
Tatlong araw na. Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang birthday party ni Ate Olivine. Pagkatapos noon, hindi pa kami nagkikitang muli ni Oliver. Tatlong araw na rin kasing suspended ang klase gawa ng malakas na bagyo. Kulong ako ng tatlong araw dito sa bahay.
Ayoko ng ganito, 'e. Ayoko ng wala akong ginagawa. Nagkakaroon ako ng oras para isipin 'yung mga nangyari matapos 'kong kumanta sa birthday party ni Ate Olivine.
Pumikit ako ng mariin, at hinayaan ko ang sarili 'kong magpatianod sa ala-ala nung gabing iyon.
Katulad nitong bagyong ito, ang pangyayaring iyon ay disaster.
I finished the song.
And everything became a blur, dahil tuloy-tuloy na ang agos ng luha mula sa mga mata ko.
Agad-agad 'kong binitawan ang mikropono at tumakbo sa parking lot. Hindi na ako hinabol ni Ate Olivine. Siguro, alam niya na kailangan 'kong mapag-isa ngayon.
And I'm thankful for that.
Nakalapit na ako sa kotse ko. Hawak ko na ang handle ng pinto at ready nang pumasok nang biglang may humila sa braso ko, sinandal ako sa may kotse, and trapped me between a pair of manly arms.
Walang iba, kundi si Oliver.
"Saan ka pupunta?" he asked me while looking straight in my eyes.
Iniwas ko ang tingin ko sa mata niya dahil anytime ay manlalambot ang tuhod ko, "u-uuwi n-na ako."
"Bakit ka umiiyak?" he asked, with sincerity in his voice.
Napabalik ang tingin ko sa mata niya. His eyes looked concerned, at parang anytime, may luha rin na tutulo mula rito.
You know what I did?
I smirked.
And instead of telling him the truth, I thought of making him happy.
![](https://img.wattpad.com/cover/70057865-288-k454469.jpg)
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Boyfriend
Romance"She's not a literal matchmaker but she found a way to match the both of us..." Pagkatapos ng lahat ng naganap na iyakan at masasakit na pangyayari, hindi inaasahan ni Ellice na pwede pa palang maging mas kumplikado ang sitwasyon. Madaming nasaktan...