The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥Tenth Chapter //
A song for the heart"Ellice, would you sing a song for me, please?"
At inabutan niya ako... ng gitara.
Tinitigan ko lang muna iyon ng medyo may katagalan kaya binawi ni Oliver ang pagkaka-abot nito sa'kin.
"Ay, s-sorry. Ayaw mo y-yata."
"Hindi. Akin na," kinuha ko mula sa kanya 'yung gitara, "Upo ka dito, dali."
Umupo naman siya sa tabi ko. Nagsindi na din siya ng kandila na nakuha niya nung kinukuha niya 'yung gitara ko. Medyo naaaninag ko na ang mukha niya.
"Anong gusto 'mong kanta?" tanong ko sa kanya.
"Uhm, 'yung kantang kinanta mo sa'kin noon sa phone. Buuin mo naman ngayon."
"S-seryoso k-ka?"
"Oo. Okay lang ba?"
"Oo naman."
I breathed deeply then I started strumming my guitar.
♪ "When I look into your sad eyes
It makes me feel for you
Cause I don't see the light
That was always shining through
Someone broke your heart
And now it's easy to give up
I'm tellin you
It's not the end
It's not the end of love..." ♪Habang kumakanta ako, nakatitig lang ako sa mata ni Oliver. Siya din naman ganoon lang. Gusto 'kong maramdaman niya ang sincerity ko dito sa kantang ito. Gusto 'kong maramdaman niya na lahat ng sinasabi sa kanta ay 'yun talaga ang gusto 'kong sabihin sa kanya ngayon. Gusto 'kong malaman niya na hindi pa ito ang katapusan ng lahat. At higit sa lahat, gusto 'kong malaman niya na nandito lang ako para sa kanya. Gusto 'kong malaman niya na kahit anong mangyari...
Nandito lang ako.
♪ "Keep believing, baby
Cause everything happens for a reason
And though tonight tears fill your eyes
Don't stop dreamin', boy
I'll be right here to lean on
You're gonna make it through
I wanna see you
Keep believin'..." ♪Magtiwala ka lang, Oliver. May dahilan ang lahat. Maaaring maganda o hindi ang kalalabasan, pero maniwala ka. Magiging ayos din ang lahat. Umiiyak ka man ngayon, nasasaktan ka man ngayon, gusto 'kong malaman mo na malalagpasan mo din lahat ng sakit na nararamdaman mo. Gusto 'kong maramdaman mo na handa akong gawin ang lahat para lang mawala lahat ng sakit na nararamdaman ng puso mo. Gusto 'kong malaman mo na kahit gaano pa kabigat at kahirap ang pinagdadaanan mo at mga pagdadaanan mo pa...
Nandito lang ako.
♪ "Has anybody ever told you
How beautiful you truly are
How just one smile from you
Can open up any heart
You deserve that too
Let somebody lift you up
You gotta know that
Somewhere out there
You're gonna find love, yeah..." ♪Handa akong gawin lahat ng kaya ko para lang mas gumaan ang nararamdaman mo. Kahit ano. Kahit kapalit pa nito ay ang kasiyahan ko, gagawin ko pa din. Alam mo kung bakit? Mahal na mahal kasi kita eh. Sorry, ha? Sorry kung minahal kita ng todo-todo. Sorry kung hindi ko napigilan ang puso 'kong mahulog sa'yo. May tumulak eh. Nahulog tuloy. Kaso walang sumalo, kaya nabasag. Nadurog. Pero, huwag 'kang mag-alala, wala akong planong ipaalam sa'yo ang nararamdaman ko. Wala akong balak gawin pang kumplikado ang kumplikado mo nang buhay. Sa tingin ko, wala na akong ibang pwedeng gawin kundi gawin ang mga bagay na alam 'kong ikasasaya mo. Kahit pagkadurog pa ng puso ko ang kapalit, ayos lang. Gusto 'kong malaman mo na kahit nadudurog ang puso ko, na kahit nahihirapan din ako, na kahit tripleng sakit din ang nararamdaman ko, na kahit halos mamatay na ako sa selos, na kahit parang biktima ng murder ang puso ko, na kahit parang natatakpan na nang kadiliman 'yung puso ko dahil sa sobrang sakit...
BINABASA MO ANG
The Matchmaker's Boyfriend
Romansa"She's not a literal matchmaker but she found a way to match the both of us..." Pagkatapos ng lahat ng naganap na iyakan at masasakit na pangyayari, hindi inaasahan ni Ellice na pwede pa palang maging mas kumplikado ang sitwasyon. Madaming nasaktan...