Twelfth Chapter //

177 6 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twelfth Chapter //
Unexpected Introduction

Morning came. Natapos naman ng matiwasay ang pag-sleep over ni Oliver sa bahay namin. Pag-uwi niya kanina sa kanila, isang matinding sermon daw ang nakuha niya sa ate niya dahil hindi siya nagpa-alam dito kagabi.

At sinabi niya ang pinaka-unang palusot na alam niyang kakagatin ng ate niya...

"Galing ako sa bahay ng girlfriend ko. Doon ako natulog! Ano bang problema doon?"

Nung kwinento niya sa akin 'yun, kinilig ako, syempre. Pero, hanggang palusot lang 'yun. Natuwa pa nga masyado ang ate niya dahil nalamang may girlfriend siya at inutusan pa siyang dalhin AKO doon.

Syempre, hindi niya susundin 'yung utos na 'yun sa kadahilanang hindi niya naman talaga ako girlfriend.

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Sigurado naman akong wala akong gagawin maghapon sa bahay, kaya lalabas na lang muna ako.

Dumaan muna ako sa isang convenience store na malapit sa amin at bumili ng ice cream. Pagkatapos, tumambay muna ako sa simbahan malapit din sa amin. Wala namang misa tsaka dito lang naman ako sa labas kaya okay lang tumambay.

Naupo ako sa isa sa mga bench doon at nagsimulang kainin ang ice cream ko. Sa harapan ko ay grupo ng mga babaeng naglalaro ng volleyball.

Sayang! Dapat pala nagdala ako ng kahit libro man lang para hindi lang puro pagkain ng ice cream ang pwede 'kong gawin dito.

Seryoso lang akong nakatingin sa kawalan at nagpapahangin. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng pagsigaw ng mga babae. Hindi ko naman pinansin dahil hindi ko naman alam kung bakit sila tumitili.

At para masagot ang tanong ko, at dahil na rin siguro may magnet ako sa bola ng volleyball, ayan, alam ko na kung bakit sila sumisigaw...

Tinamaan ng bola ng volleyball 'yung ice cream ko. Tumalsik pa sa damit ko 'yung chocolate. T___T

"Oh my gosh! Sorry."

May isang magandang babae na lumapit sa akin. Morena. Mahaba ang buhok. Mukhang mas matanda siya sa akin.

"Hala. Okay lang po." magalang na sabi ko sa kanya. Wala naman talagang problema. Tsaka, oo. Nakakatibo ang ganda nitong babae kaya ayos lang na tamaan niya ng bola ang ice cream ko.

Maganda. Pero parang may kamukha siya.

Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya at pinunasan niya ang damit ko, "Naku. Pasensya ka na talaga. Mukhang mamahalin pa naman itong damit mo. Don't worry, I'll pay for your ice cream."

"Huwag na po. Hindi na po kailangan. Ayos lang po. Kasalanan ko pa yata kasi nakaharang ako sa pinaglalaruan niyo."

"Sigurado ka ba talaga na ayos lang?" she asked me while 'worried' is written all over her face.

I smiled, "Promise po. Okay na okay lang po."

"Sige na nga. Maniniwala na ako." she smiled, "By the way, what's your name?"

"Ellice po. Ellice Marie Navarro."

"Hmm. Nice name." then she lend her hand for a hand shake, "My precious name is Julia Olivine..."

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon