Twentieth Chapter //

209 5 2
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twentieth Chapter //
Love is Risking

"Ano bang problema mo, Oliver?" pasigaw 'kong tanong sa kanya.

"Sorry. Sorry, alam 'kong galit ka sa'kin dahil hinali--"

Pinutol ko siya, "Akala mo ba galit ako dahil hinalikan mo ako? Akala mo ba galit ako dahil you stole my first kiss? Hindi. Hindi ako nagagalit dahil doon!"

"Eh bakit ka nagagalit?"

"DAHIL HINDI KITA MAINTINDIHAN!" sigaw ko sa kanya, "HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG ANO ANG TUMATAKBO SA ISIP MO!"

"Ano pa ba ang hindi mo naiintindihan, Ellice?" medyo pasigaw na tanong ni Oliver.

"Lahat, Oliver, lahat! In fact, wala nga akong alam eh!"

"Hindi ka pa din ba naliliwanagan?"

"Naliliwanagan saan? Ano pa bang dapat 'kong malaman na hindi ko alam? Alam ko namang hinalikan mo ako dahil namimiss mo si Hannah!"

"Tangina, si Hannah na naman!"

"Bakit? Totoo naman, di ba? Hanggang ngayon, hindi ka pa din maka-move on sa kanya kaya pati ako napag-tripan mong halikan!"

"Hindi! Hindi ganun 'yun!"

"EH ANO 'YUN? IPALIWANAG MO! IPALIWA--"

"HINDI MO PA DIN BA NAIINTINDIHAN?"

"ANO BA ANG DAPAT 'KONG MAINTINDIHAN?"

"NA GUSTO KITA, ELLICE!"

I was taken aback. Ano daw? Tama ba 'yung narinig ko? Gusto daw ako ni Oliver? Ano daw?

Oliver's voice became gentle, "Believe it or not, pinigilan ko. Pinilit 'kong itatak sa isip ko na mahal ko pa din si Hannah. Pero, habang sinasabi ko sa sarili ko na hindi kita gusto, mas lalo kitang ginugusto."

"N-no. H-hindi m-mo k-ko g-gusto. Nabubulag ka lang. H-hindi ako s-si Hannah."

Oliver looks frustrated, "Bakit ba pinagpipilitan mo sa akin si Hannah? Bakit? Hindi mo ba maintindihan na ikaw na ang gusto ko?"

"Kasi, natatakot akong masaktan." halos pabulong na sabi ko sa kanya.

"Ano?"

"Takot akong masaktan."

"Bakit naman kita sasaktan?"

"Natatakot akong baka akala mo lang na gusto mo ako. Natatakot ako na baka dahil sa sobrang pagka-miss mo kay Hannah kaya mo nasasabi ang mga bagay na 'yan. Natatakot ako na baka hindi naman totoo lahat--"

Something stopped me from speaking. I can feel Oliver's lips on mine again.

This time, I pushed him away.

"Enough of this nonsense," I wiped my tears, "Babalik ka din sa katinuan bukas."

Tumakbo agad ako palayo sa kanya. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko habang tumatakbo ako palayo. Alam 'kong hindi niya ako hinahabol.

Dire-diretso akong nakarating sa bahay. Hindi naman kasi kalayuan sa bahay namin 'yung carnival.

Pumasok akong tuloy-tuloy sa kwarto ko. Sumalampak sa kama at nag-iiyak.

Ay, gaga! Bakit ba ako nagda-drama dito at umiiyak? Hindi ba dapat matuwa ako na nagustuhan na din ako ni Oliver?

Incoming Call...
Oliver <3

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon