Eleventh Chapter //

194 6 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion ♥

Eleventh Chapter //
Keep Denying

"A-anong s-sabi mo, E-Ellice?"

Gulat na gulat pa din si Oliver sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mata niya na gustong-gusto niyang bawiin ko 'yung sinabi ko.

Alam ko kung bakit. Kasi kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. Ayaw niyang masaktan ako kaya gusto niyang bawiin ko 'yung sinabi ko.

Kaso ang problema, totoo naman 'yung sinabi ko sa kanya eh.

Pero dahil nga mahal ko siya, hala sige! Ako na lang ulit ang maga-adjust. Ayoko siyang pahirapan. Ayoko siyang bigyan ng bagong sakit ng ulo. Ayoko siyang bigyan ng bagong problema. Sapat na sa akin na si Hannah na lang ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ayoko siyang saktan. Nasasaktan din ako.

I breathed deeply...

Then, I faked a laugh. Tinawanan ko siya habang tinuturo-turo ko 'yung mukha niya.

"W-what's f-funny?" naguguluhang tanong ni Oliver.

"You're funny. Hahahaha. Kung nakita mo lang reaksyon ng mukha mo kanina, matatawa ka din. Hahaha. Shet. Dapat pala, pinicturan ko. Hahaha."

"P-pero, 'y-yung s-sinabi m-mo k-kasi..."

"I'm just kidding! And besides, sa isang video kasi nung singer nung kantang iyon, sinabi niya 'yung linyang, "Keep believing, baby," tapos sabay sabi niya ng "I love you" sa audience. Eh palagi 'kong pinapanood 'yun, kaya pati 'yung linya na 'yun nakuha ko na din."

Nakita ko naman na he felt relieved with what I said, "Ganoon ba? You got me with that."

"Uto-uto ka din, ano? Grabe. 'Yung mukha mo talaga kanina."

"Tsk. Baliw ka talaga. Akala ko, totoo na. Walang ganyanan, ha? Magkaibigan tayo."

Magkaibigan tayo.

Magkaibigan tayo.

Magkaibigan tayo.

Translation: Wala 'kang karapatang ma-in love sa akin dahil hanggang kaibigan lang ang tingin at turing ko sa'yo. Hindi na hihigit iyon doon. Si Hannah lang ang mahal ko.

Another translation: Avada Kedavra! Crucio! Stupefy! Petrificus Totalus! At kung anu-ano pang masasakit na spells ang inilagay sa puso ko. Shit. Nagkadurog-durog eh.

I faked a laugh, again, "Ako?" tinuro ko ang sarili ko, "Ako? As in ako talaga? Si Ellice Marie Navarro? Mai-in love sa'yo? What the--? Hahaha. Para mo na rin sinabi na kaya 'kong mabuhay ng isang linggo na walang cellphone."

Tinapik ko pa siya sa balikat, "Ang assuming mo, re. For your information, hindi ka gwapo."

Tinanggal niya 'yung kamay ko sa balikat niya, "Ah ganoon?"

At bigla niya na naman po akong kiniliti sa tagiliran.

"HAHAHAHA. Oliver, haha, t-tama n-na! Lumayas k-ka dyan. Hahaha."

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon