Fifth Chapter //

230 10 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Fifth Chapter //
Heartbreak

A month later.

Christmas vacation.

As planned, wala ako sa Pilipinas. Nandito kami ng mommy ko at kapatid ko sa Japan at ine-enjoy ko ang Cherry Blossom feeling.

Araw-araw ko pa din namang kausap 'yung mga bruha doon sa Pilipinas. Magkaka-chat kami palagi sa group chat namin sa Facebook.

Kanya-kanya din naman kaming post ng aming #TravelGoals. Ako, nasa Japan. Si Janessa, sa Ilocos. Si Gene, sa Tagaytay. Si Ashley, nasa Baguio. Si Hannah, nandoon sa Subic.

At si Oliver?

Ayun, nasa puso ko.

Leche. Hahaha. Keso masyado. Nandoon pa din siya sa bahay nila. Nasa abroad kasi ang mama niya at ang tatay niya, walang pakelam sa kanilang magka-kapatid.

***

Ilang araw na din kaming nandito sa Japan. So far, I'm enjoying my stay here. Nakaka-culture shock lang talaga nung una pero naka-adopt naman kami agad.

Nandito ako ngayon sa loob ng hotel room na tinutuluyan namin dito sa Japan. Masyado kasing malamig sa labas, so, dito muna ako sa loob.

Nakahilata lang ako at patulog na sana nang biglang mag-ring ang phone ko...

Incoming call...
James Oliver Santiago

Ganyan ang pangalan ng mga taong hindi espesyal sa phonebook ko. Full name dapat.

Talaga bang hindi espesyal?

Kahit nagtataka ako kung bakit siya tumawag, sinagot ko pa din 'yung tawag niya.

"Hello?" bati ko agad.

"H-hello, Ellice?"

"Wait! Are you crying?" tanong ko sa kanya nung narinig ko 'yung mga paghikbi niya sa kabilang linya.

At ibinalita niya ang isang balitang gumuho sa mundo ko...

"M-me and Hannah, b-broke up."

"W-wait? W-what?" takang-taka na tanong ko.

"Chinat niya ako kaninang hapon. Sabi niya, ayaw niya n-na d-daw." his voice broke again.

"Wait. Paano? B-bakit? A-anong dahilan?"

Gulong-gulo ako. Oo. I like Oliver pero ni minsan hindi ko ginustong maghiwalay sila ni Hannah.

Oh God! What's happening?

"Ellice! Shit. Ang sakit, sakit! Gusto ko nang magpakamatay! Ang sakit sakit!"

"Wait! Shit, Oliver. What happened? What have you done? Anong ginawa mo?"

"W-wala akong ibang g-ginawa kundi m-mahalin siya."

I also burst into tears. Bakit ganito? Ang sakit, sakit marinig si Oliver na umiiyak at nasasaktan.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon