Nineteenth Chapter //

172 9 1
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Nineteenth Chapter //
His Song and Kiss

"Ay! Alam ko na!" sabi bigla ni Oliver kaya napatingin ako sa kanya, "Kakantahan na lang kita!"

Bago ko pa siya mapigilan, sinimulan na niyang kantahin ang kantang ayokong marinig mula sa kanya...

♪ "'Di mo ba napapansin?
Nagpapa-cute ako sa'yo't panay ang tingin
Malabo ba
Ang iyong mga mata?
At hindi mo nakikita na crush kita..." ♪

Habang kinakanta niya ang parteng 'yan ng kanta, titig na titig siya sa mata ko. Para bang kung ano 'yung sinasabi sa kanta ay 'yun talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.

Bakit? Bakit kailangang 'yan ang kantahin mo sa akin, Oliver? Alam mo ba na sobra akong naguguluhan dahil dyan sa kantang kinakanta mo para sa akin?

"Lagi namang kasama ka
Kwento mo'y, hindi maubos-ubos pa
Hindi mo ba, nadarama sa akin?
Na ako para sa'yo'y may pagtingin..." ♪

Hindi niya inaalis ang tingin niya sa mata ko. Ano bang gusto niyang ipahiwatig? Na nahulog na siya sa akin, ganon? 'Yun ba ang gusto niyang sabihin?

Paano kung hindi? Paano kung ako lang pala ang nag-iisip nun? Paano kung nag-aassume lang pala ako? Paano kung gusto niya lang palang kantahin 'yun? Paano kung wala namang meaning lahat ng sinabi niya kanina? Paano kung wala namang ibig sabihin itong mga titig niya ngayon sa'kin?

Eh 'di ako lang ang masasaktan?

♪ "I'm so in love na nga sa'yo
Bakit ang layo-layo mo?
Araw-araw na naghihintay sa'yo..." ♪

Malayo? Ikaw ang malayo sa akin, Oliver. Hindi ko maabot ang puso mo. Hindi ko alam ang tunay mong nararamdaman. Ang lapit-lapit mo sa akin pero ang layo-layo ng puso mo. Hindi ko maabot.

Pero, bakit mo inaawit sa akin itong kantang 'to habang nakatitig ka sa mata ko?

Huwag mong gawin 'yan, Oliver. Baka maniwala ako.

"T-tama na, O-Oliver. H-hindi n-na ako t-takot s-sa d-dilim." sabi ko para matigil na siya sa pagkanta sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hinawakan niya ang chin ko at iniharap niya muli ang mukha ko sa kanya at tinitigan niyang muli ang mga mata ko.

At itinuloy niya pa din ang pagkanta.

♪ "My girl, sabihin mong mahal ako
Naiinip ang puso ko
Puro paramdam ka lang sa akin
Ika'y may gusto..." ♪

I want to laugh at his face. Sige. Isipin na natin na kunwari ay kinakanta niya itong kantang ito para sa akin.

Pero, the heck. Gusto niyang sabihin ko sa kanya na mahal ko siya? Hindi ba't sinabi ko na sa kanya 'yun? At anong sabi niya? Na huwag na huwag akong mahuhulog sa kanya sa kadahilanang mahal na mahal niya daw si Hannah. Di ba? Pinigilan niya akong mahalin siya tapos sasabihin niya 'yan ngayon?

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon