Thirteenth Chapter //

183 5 0
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Thirteenth Chapter //
Revelation

Simula nung nakaka-lokang introduction between me and Ate Olivine, hindi ko muna kinausap si Oliver. Ewan ko kung bakit ayoko siyang kausapin.

Naiilang, maybe? Or hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako sa fact na acting lang lahat ng nangyari sa loob ng bahay nila?

Nagkayayaan na naman kami ng mga bruha 'kong kaibigan na tumambay sa park mamaya. Well, of course, kasama si Oliver at hindi naman kasama si Hannah.

Nakaka-inis. Gusto ko ngang iwasan na si Oliver e. Alam 'kong it's too late na para iwasan ko pa ang nararamdaman ko para kay Oliver pero, wala na. Planado ko na 'to. Gusto ko ng iwasan ang pagtibok nitong bwisit na pusong ito kapag nakikita si Oliver.

"We're home!"

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito ang nanay 'kong maganda at ang kapatid 'kong dyosa.

"Oh my gosh! Mommy!" sabi ko sabay takbo palapit sa kanila.

"Ang ganda talaga nung Cherry Blossoms, Ate. Sayang wala ka doon." sabi ng kapatid 'kong si Sophie.

I smiled at her, "Gusto mo bang bumalik doon?"

"Yes, Ate. Yes, yes, yes!" excited na sabi ni Sophie.

"Okay, then. Babalik tayo doon next Spring and promise, hindi na aalis si Ate."

"Really?"

"Promise." then I kissed her forehead.

"Ellice, come here. I have pasalubong for you." sabi ni Mommy and may inilabas siyang maliit na box.

"What's that, Mommy?"

Binuksan ni Mommy 'yung box. Sa loob, may dalawang bracelet. Black lang siya na may apat na beads. 'Yung isa, blue ang beads. 'Yung isa, pink.

"Ano po 'to?"

"Bracelet." she answered me with an 'it's-obvious' tone.

"I know. What are those for?"

"This one is for you," sabi niya then sinuot niya sa akin 'yung pink, "Then this one, you'll have to find the right guy that is deserving to wear this bracelet with you."

Kinuha ko 'yung bracelet then tinawanan ko siya, "Dami 'mong alam, ma."

"Be careful on choosing the right guy that will wear that, okay?"

I nodded.

"Sige na. Matutulog muna kami ni Sophie. May jet lag pa kami."

***

Palabas na ako sa bahay kahit alam 'kong masyado pang maaga kumpara sa oras na napag-usapan namin ng mga bruha 'kong kaibigan na pagpunta sa park.

Oo. Maaga ako. Ayoko kasing makasabay si Oliver papunta sa park. Ayoko na ng another solo moment with him.

Paglabas ko ng gate, nagulat ako dahil may matangkad, moreno at gwapong lalaking nakasandal sa pader namin.

"O-Oliver."

"Uy, babe! Nandyan ka na pala."

Inhale, exhale. Trip ba ako ng tadhana ngayon? Pwede huwag muna ako? Pass muna ako, please?

"A-anong g-ginagawa m-mo d-dyan?"

Napakamot siya sa batok, "Hinihintay kita. Para sabay na tayong maglakad papunta sa park."

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon