Fifteenth Chapter //

180 7 2
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Fifteenth Chapter //
Heart Catcher

Ilang araw na ang lumipas. Puro chat at text lang ang naging pag-uusap namin ng mga bruha 'kong kaibigan... well, except kay Hannah, dahil hindi ko pa siya nakaka-usap.

Pagkatapos naming maglaro ng truth or dare, hindi na kami ulit nagkita-kita ng mga kaibigan ko. Pati na din si Oliver. Busy siguro sila. Ayaw ko din namang mag-aya dahil baka i-reject ako.

Sawa na akong masaktan.

At itong araw na ito ay isa na namang araw na wala akong magawa. Sa sobrang boredom, naisipan ko na lang kunin ang gitara ko at kumanta sa terrace.

♪ "You push me away as you slam the door
You're screaming out, you can't take this anymore
You're wondering what we're still together for
Do we even know what we're fighting for?
Are we losing ourselves this time?" ♪

Ewan ko kung bakit ito ang unang kantang pumasok sa isip ko. Siguro, tama din ito sa nararamdaman ko.

♪ "Saying things we don't wanna say
Only hurting the one we love the most
She took a cab and just went away
To the station where we first met..." ♪

Parang 'yung sinabi ba sa akin ni Oliver nung natulog siya dito? Na hindi ko siya pwedeng mahalin? Napaka-sakit naman talaga nun eh. Mas masakit pa kasi ang mismong magsasabi nun sa'yo ay ang taong mahal mo.

♪ "I won't give up on us, didn't mean to do you wrong
Don't turn your back on love, with me is where you belong
'Cause I would rather fight with you
Than be happy with someone else
No I won't give up on us
7 minutes 'til the train departs
7 minutes 'til the train departs..." ♪

Totoo naman na mas gusto ko na lang masaktan kay Oliver kesa maghanap ng iba. Siya lang ang gusto ko. Pakiramdam ko, hinding-hindi na ako magmamahal ng kahit sino bukod sa kanya. Handa akong samahan siya sa pakikipag-laban niya para makuha ulit ang puso ni Hannah. Handa din akong samahan siyang pasayahin ang ate niya. Ayos na sa'kin na masaktan habang kasama ko siya kesa naman mawala siya sa akin ng tuluyan dahil sa bwisit na nararamdaman ko para sa kanya.

At speaking of the devil, nakita ko naman si Oliver sa ibaba ng bahay namin.

Ano na naman kayang kailangan nitong ungas na ito?

"Oliver!" sigaw ko sa kanya mula sa terrace.

Napatingin naman siya sa terrace at nakita niya ako. He motioned his hand na parang sinasabing 'bumaba ka dito.'

At kailan ko ba siya tinanggihan?

Humarap naman ako sa full-length mirror ko. Hmm. Mukha naman akong dyosa. Pwede na!

Bumaba na ako at dire-diretsong lumabas. Paglabas ko ay agad akong nilapitan ni Oliver.

"Hi." sabi ni Oliver.

"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Samahan mo ko..."

"Saan na naman?" tanong ko.

"Sa puso ko." sagot ni Oliver then he winked.

I blushed, "S-saan nga?"

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon