Twenty Fourth Chapter //

167 8 2
                                    

The Matchmaker's Boyfriend
Written by
whitebabylion

Twenty Fourth Chapter //
On Time

Pink? Or Blue?

Halos tatlong oras na akong nandito sa Princess Yanna's boutique. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapag-desisyunan kung anong susuotin ko bukas.

(Ehem, segue, boutique ni Yanna Scott, from Alyloony's My Prince)

Ang instructions kasi ni Ate Olivine, wear dress daw dahil semi-formal ang party.

Kaya heto ako ngayon, sobrang miserable dahil hindi ko alam kung ano ang bibilhin 'kong cocktail dress.

Oo. Gusto 'kong maging maganda. Gusto ko sanang ipamukha sa Oliver na 'yon na 'di hamak naman na mas maganda ako doon sa Hannah na iyon.

At, sabi ni Ate Olivine...

"If you can't beat them, join them."

Kaya ayun. Na-tempt akong magpaganda ng todo-todo.

"Ma'am? May napili na po ba kayo?" tanong sa akin nung saleslady.

"Yes. I'll take this one," sabi ko sabay abot nung dress na hawak ko.

"Black is really beautiful," sabi sa 'kin nung saleslady, "bagay na bagay po sa inyo."

"Mas bagay kami." I said, unconsciously.

"Sus, ma'am. Sa ganda mong 'yan, kahit sinong lalaki magkakandarapa sa 'yo," she said then she smiled.

"Aanhin ko naman 'yung mga lalaking magkakandarapa sa 'kin kung..." napayuko ako, "iba 'yung gusto nung taong mahal ko?"

She smiled, "if you really love that guy, either you'll wait or you'll let go." she said then she left to pack my gown.

Gara nung saleslady. Nangengelam. Inaano ko ba siya? Bakit kailangan niya akong i-torture emotionally? Close ba kami? Tss.

I told the staff that I'll leave what I bought first. Ayoko kasing kunin agad. Magbibitbit pa ako habang nag-iikot. Hassle. Babalikan ko na lang mamaya.

Nagpunta muna ako sa cafe. Gutom na rin kasi ako. Hindi pa ako kumakain ng kahit ano simula kaninang umaga.

"Ayoko na! Tataba ako," I heard someone say from the nearest table.

"Dali na. Last na. Maganda ka pa rin naman kahit mataba ka," the guy with the girl said.

I heard the girl giggled. Dami pang arte. Mga ulol! Walang forever! Magbe-break din kayo!

Hindi ko na sana papansinin 'yung paglalandian nila nang bigla akong tawagin nung babaeng kanina pa kung makatawa e, akala mo kinikiliti ng langgam sa singit...

"Ellice?"

Shoot. Kaya pala pamilyar ang boses nung dalawang malandi.

Nilingon ko sila, "H-Hannah, hi," then I stopped, swallowed and said, "O-Oliver."

Oliver focused his stare on his plate. He looks uneasy.

The Matchmaker's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon