Six

18.1K 371 8
                                    



















Ni hindi ko siya tinignan. I just walked past him and got out. Tumigil lang ako ng maisara ko ang pintuan at sumandal doon. I just wanted to get away from here. Naso-suffocate na 'ko. Minsan kahit anong pilit mong ngumiti, lalo lang sumasakit.

I don't want to hate Julian. I don't want.

Pero kapag nasasaktan ang isang tao, lumilipad sa bintana lahat ng 'logic'. Ang isip ko sinasabing hindi ako dapat magalit sa kanya.

It could have been worse. At least Jean prostituted herself to man same as her age. Mayaman. At gwapo pa!

The bad thing is, she prostituted herself.

I'm starting to hate this 1980s word.

Pokpok. Namokpok si Jean.

I dressed quickly upstairs and took my handbag. At least CM would make me happy. Hindi na umuubra ang mga Catharsis ko. Just screaming wouldn't stop my frustrations and anger.

I hailed a cab. Sabi niya 'wag ko na siyang sunduin. Eh, may magagawa pa ba siya kung nandun na 'ko?

I was immersed into deep thoughts. Tumigil ang taxi nung umilaw ang stoplight. I frowned when I saw a woman crossing the street. Wala sa loob na sinundan ko siya ng tingin. Maganda. Hmmm... Then my eyes grew wide. She turned to the lane toward the side of the taxi. Of course, maganda... kilalang kilala ko ang mukha na 'yun. How could I not? I was looking straight into my own face.

No— Jean's face!

"Jean!" I half shouted. Bubuksan ko pa lang ang handle ng umandar na si manong.

"Manong stop!" Napakamot ito sa ulo. Pero hindi na kami makatigil kasi may MMDA dun.

Napasabunot ako sa buhok ko. Gusto kong magtitili. Napatingin sa 'kin si Manong. Hindi na 'ko magtataka kung akalain niyang may baliw na sumakay sa kanya. Nagbayad ako at mabilis na bumaba. Pero hindi ko ito nakita o naabutan.

Fates must be playing with me. Karma ba ito?


***

I went straight to the airport and waited for CM's arrival.

"CM!" Lakad pa lang niya alam ko na.

"Jeannie?" One brow arched. Agaw eksena kami ng niyakap niya 'ko. Kala mo naman hindi nagkita ng isang taon. Eh, isang buwan lang naman. Pinisil pisil ko 'yung biceps niya.

Inakbayan niya 'ko at pumunta kami sa pinakamalapit na Italian Restaurant. Natawa pa nga ako ng sundan ng server 'yung tingin sa 'min—kay CM. Kung alam lang niya.

"So, what happened?"

I sighed.

Lahat-lahat ata ng sama ng loob ay sinabi ko sa kanya. Pinisil niya ang kamay ko. Too sweet, I could melt. Sana.

"What if he found out the truth? That you're not pregnant? And most importantly, hindi ikaw si Jean." He wolfed down the pasta enthusiastically. I sighed. "I bet he's going to plot murder against me. Alam mo 'yung mga ginagawa ng mga mayayaman na pinapasalvage 'yung first wife nila." Grabe, ang morbid. I shivered suddenly.

Yung mga mala-Guillermo Del Toro films.

"Parang Crimson Peak? Where Tom Hiddleston and his sister keep killing his wives."

Kinilabutan ako at inirapan ito.

"Hindi gagawin ni Julian 'yun." Wala sa loob na sabi ko. Contradictory na sabi ko.

"Anong alam mo? You haven't known him that long. Malay mo he's hiding bodies in his closet."

"Psychopath, ganon? Para ka namang timang. Ibang level na yan no."

Splitting HairsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon