Seven

18.2K 355 19
                                    
















I didn't know a thing about Korea much less Julian's Korean family. As in. Para akong pinasugod ng mga magulang ko sa giyera ng wala man lang dalang armas. Habang nasa loob kami ng eroplano ay gusto ko ng tumalon palabas ng bintana. Oh my, argh, I already and suddenly missed Philippines! As if... What would I do? What should I do?

Julian just slept like the dead. Habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko sa lap ko mismo. Mahigpit. Sa sobrang higpit iisipin kong ayaw niya 'kong pakawalan. It should warm my heart. But panic was overwhelming me.

"Julian... I don't think this is a good idea." I whispered when I saw his one good eye flickered.

He raised one brow at me. As if telling me to keep my thoughts to myself.

"Julian..."

"What?" He snapped at me. Sabi ko na nga ba masamang biruin ang bagong gising eh. I gave him my most charming smile. Tinignan niya 'ko. In disgust. Grabe, padarag na tinanggal ko 'yung kamay niya sa pagkakahawak ng kamay ko. Pero lalo lang niyang hinigpitan. Then he sighed exaggeratedly.

I pouted my lips. Bakit ba umaasa pa 'kong magbabago siya?

Baka nga kahit tumanda ito at mamamatay na ay masama pa din ang ugali.

The stewardess smiled at us—specifically at Julian. At sa pagkagulat ko, Julian smiled charmingly at her!

What the F.

The devil could flirt! Tapos sa 'kin pinagdadamot niya 'yun. Inis na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

He raised one brow at me. Inirapan ko siya at umisod pakabila. Na para bang may space akong mauusugan. I know, I was acting childish.

"There's nothing to be jealous of..."

I gasped. "Excuse me?" Mali ba 'ko ng rinig?

"You're my wife. Sa 'yo lang ako." Biglang napatingin ako sa kanya.

"Excuse me? Ilaglag kita dito sa eroplano e. I don't care."

So, dapat ko bang ikatuwa 'yun after niyang ngumiti ng ganon sa iba? Utang na loob ko pa? But I saw amusement written all over his face. Like hell, he didn't really mean it. Maya-maya sumeryoso siya. What amazed me next was when he cupped my face.

Tapos bumaba 'yung kamay niya sa leeg ko. Then down to my stomach.

"Oh..." I whispered. Shoot.

My tummy.

My rice baby.

I tensed when his face became tender. I sucked in the air unconsciously.

"I'm already excited to see our baby." He said softly. He was too gentle. Na para bang hindi siya 'yung Julian na lagi akong sinisigawan. 'Yung Julian na walang pakialam sa 'kin. At lalong 'yung Julian na nilockan ako ng pinto.

Seriously, hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam non... pero parang may kuryente. Ganon ba talaga? Normal ba talaga 'yun? O ako lang 'yung abnormal?

"What... do you want?" Mahina kong sabi. "Girl or boy?"

"Hmm..." His chinito eyes squinted all the more. Na para bang iniisip niya talagang maigi. "Basta healthy." Tapos hinamas niya ulit 'yung tyan ko. Buti wala akong bilbil.

I felt warmth in the simple gesture. Then he looked at me straight in the eyes. I could drown in those dark brown eyes.

"Ako din..." Wala sa loob na bulong ko. Ano nga kaya ang magiging itsura ng baby namin ni Julian? Kamuka din kaya ni Julian? His eyes, my lips, his one left dimple, my nose. His...

Splitting HairsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon