Prologue

100 10 6
                                    

Pakiramdam ko lumulutang ako sa kawalan. Pilit kong binubuksan ang aking mga mata. Napakalamig, napakatahimik, napakadilim, at hindi ko malaman kung may katapusan ang aking paglutang. Habang tumatagal para bang panipis nang panipis ang hangin dito. Hindi nagtagal unting-unti na'ko nawawalan ng hangin at hindi ako makasalita o makakilos sa labis na panghihina.

"Ito na ba ang katapusan ko?" Tanong ko sa aking sarili.

Dahang-dahan pumipikit ang mga mata ko kahit na pinipilit kong wag pumikit ngunit hindi ko na kaya at tuluyan pumikit ang aking mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Damon... Damon!" Narinig kong tinig mula sa isang babae.

... patuloy ang pagtawag niya sa'kin. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko ang isang babaeng pilit kumakawala sa lalaking may hawak-hawak sa kanya palayo. Gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pilit niyang inaabot ang kamay niya sa'kin at sumigaw ng hindi ko naiintindihan.

" Ano bang nanyayari?" Tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam sa aking sarili pero pinilit ko din na abotin ang kamay ngunit masyado kami malayo sa isa't-isa. Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi niya pero hinahatak palayo siya nang palayo sa'kin...

"Kate..." Bulong ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Damon! Wake up! Damon!" Narinig ko na sabi ng pamilyar na boses ngunit labis kong ikinabigla nang nakaramdam ako ng napakalamig na tubig sa aking mukha na ikinabangon ko.

Hinanap agad ng mata ko ang bumuhos sa'kin ng tubig at nakita ang isang babae na may hawak hawak pang timba.

Siya ang babaeng nasa panaginip ko...

"Oh, ano nagising ka rin?" Tanong niya sa'kin habang nakangiti.

---------------------------------------
itutuloy xD wahahaha

Itong kwento na ito ay hango sa isa sa mga anime series na 'Trinity seven', d'grayman at iba pang anime kaya huwag kayong magtaka kung may pagkaparehas ang kwento. Pero binigyan ko ito ng kakaibang twist kaya, sa mga magbabasa at makakabasa sana magustohan ninyo. :) :*

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon