Chapter 25: Love is a Beautiful Pain

11 4 2
                                        

Czarina's POV

"Ikaw lang bang mag-isa dito?" Tanong ko kay Aly habang kumakain ako ng mga prutas.

"Hindi naman, may kasama akong nangangalaga  dito." Sabi niya.

Tumingin naman ako sa paligid ko at saka binalik ang tingin ko sa kanya.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"May ginagawa lang sila sa bayan. Ikaw ba anong ginagawa mo sa kagubatang ito?" Sabi niya.

Uminom muna ako bago ako nagsalita.

"Naligaw ako. Kasama ko lang ang trinity seven tapos nawala ako." Sabi ko.

"Isa ka sa Trinity Seven?" Tanong niya na may pagkagulat.

Sasabihin ko ba? Sigurado akong pagtataboyan niya ako palabas pero okay lang siguro nakakain na ako. May lakas na ko para maglakad.

"hmmm, o-oo." Sagot ko at nagpikit mata dahil inaasahan kong ang pag-iiba ng tingin niya sa'kin.

pero...

wala. O.O

Nadilat ako at tumingin sa kanya. Nakatulala lang siya sa'kin at parang natatawa.

"Hindi mo ba ako pagtatabuyan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi." Sabi niya at tumawa.

May saltik ba 'to? Ako ang nagugulat sa kanya.

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa trinity seven?" Tanong ko.

"Alam ko." Sabi niya at ngumiti.

Natulala lang ako sa kanya.

"Hindi ko alam na mabait ang isa sa mga kabilang sa Trinity Seven." Sabi niya bigla.

Napangiti naman ako. Isa siya sa mga nakilala kong tignan muna ang ugali namin.

"Actually, lahat naman kami." Sabi ko.

"I see. Sa tingin ko matutulungan kitang makalabas dito sa gubat." Sabi niya.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Salamat ng marami." Sagot ko.

Pagkatapos kong kumain. Agad kaming umalis para ihatid ako palabas ng gubat. Habang naglalakad kami, nakwekwentohan kami. Hanggang sa nakalabas kami ng gubat.

"Paalam na, Czarina." Sabi niya na medyo malungkot pa.

"Paalam, Aly." Sabi ko at ngumiti kahit nalulungkot akong aalis na'ko.

Tumalikod na'ko sa kanya. Nagsimula ko naglakad pero sa pangatlong paglakad ko bigla akong humarap kay  Aly na aalis na rin sana.

"Aly!" Tawag ko sa kanya.

Agad rin siyang tumingin sa'kin.

"Bibisita ulit ako." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya bilang tugon.
.
.
.
Lumipas ang maraming araw. Palagi kong binibisita si Aly. At sa mga araw na iyon naging magka-close kami. Pero hindi niya sinabi sa mga kasama niyang isa ako sa trinity seven which is naiintindihan ko naman. Habang tumatagal mas lalong naging close, hindi ko napansin na nahuhulog na pala ako sa kanya at hindi napansi  na ako na rin ang nagiging sanhi ng problema niya.

Naglalakad ako sa loob ng gubat. Hindi naman na ako naliligaw dito dahil nasanay na'ko balak ko sanang suprisahin si Aly. Nakikita ko na ang likod niya. Binilisan kong pumunta sa kanya pero napansin kong may kausap siya. Sinilip ko kung sino ang kausap niya nakita ko si Titus, ang kanang kamay ni Aly. Aalis na sana muna ako para hintayin sila matapos pero nagbago ang utak ko at nakinig sa kanila.

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon