Chapter 1: His trap world

60 9 5
                                        

Damon's POV:

Ako nga pala si Damon Salvatore,, 16 years old. Isang ordinaryong istudyante ng isang elite school sa bansa.

"Damon! Ang tagal mo naman malelate na tayo!" Sigaw ni Kate.

Siya pala si Kate Mercury. Siya palagi 'yong napapaginipan ko. Magka-edad lang kami. Kinikilala ko siya bilang pinsan/sister ko kahit hindi kami magkaano-ano. Siya na kasi yung nag-alaga sa'kin at kasama ko sa bahay, hindi ko na nga maalala kung paano nangyari 'yon, eh. Kaso sa tuwing nakakasama ko siya hindi ko maiwasan na ma-fall sa kanya pero hindi ko masabi kasi natatakot akong baka iwan niya ko.

"Damon?!" Sigaw niya.

Nagmadali na'ko nagbihis at bumababa kasi magagalit na 'yon.

"Para ka namang babae, ang bagal kumilos." Sabi niya sa'kin saka nag-roll eyes.

Medyo may pakasungit talaga 'to. Kaya napangiti ako at inakbayan siya. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Wag ka na magsungit. Libre na lang kita icecream mamaya." Pagsuyo ko sa kanya.

"Ikaw talaga alam na alam mo talaga kung paano ako utuin, ano?" Sabi niya saka niya ako kinurot sa tagaliran.

"Aray!!!" Q-Q. Hiyaw ko saka siya mabilis na tumakbo palayo sa'kin. Sadista talaga.

"Ililibre mo ko, ah? Wala nang bawian." Sabi niya saka niya ko hinarap na nakangiti.

Ang ganda niya talaga at cute. Napangiti na lang ako.

"Sige." Saad ko.

Tumakbo siya palapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko saka hinila paalis.

Ganito palagi takbo ng buhay ko. Gigisingin niya ko, susungitan, susuyuin ko siya, papasok sa school , uuwi kasama niya at matutulog. Masaya na'ko sa ganito. Simple lang.

Napatigil naman kami sa palakad kasi may dumaan na mga sasakyan. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak pa rin kaya bigla kong naramdaman na namula ako kaya tumigin ako sa langit. Pero labis akong nagtaka kung bakit iba 'yong kulay ng araw.

Bakit kulay itim ang araw?

"May problema ba, Damon?" Tanong sa'kin ni Kate.

"Nagtataka lang ako. Anong nangyari sa araw? Bakit ganyan ang kulay?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa araw.

"H-huh? A-anong meron sa ar-araw?" Mautal-utal niyang tanong.

Napatingin naman ako sa kanya. Mukha siyang natataka.Hindi niya ba pansin iba ang kulay ng araw?

"Hindi mo ba nakikita na kulay itim ang araw?" Tanong ko.

"A-ano ka ba? Mataggal ng kulay itim ang araw."Saad niya

Kulay itim ba talaga ang araw?

"Ganun ba." Sabi ko na lang.

"Tara na nga." Hinila niya ko maglakad.

Kulay itim ang araw pero bakit pakiramdam ko may mali. Habang nalalakad kami tumitingin ako sa itim na araw.

"Gumising ka na kung hindi mapipilitan akong patayin ka." Narinig kong bulong habang naglalakad kami.

Kaya nahinto ako at hinanap 'yong nagsabi nun. Sigurado akong hindi si Kate ang nagsalita. Kaso wala akong nakita.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Kate.

"Wala. Siguro naman naghahallucinate ako. Hahaha" Sabi ko.

Nagpatuloy kaming naglakad.
sino kaya 'yon?

Mystery person's POV

"Kailangan mong pumunta sa City S. Ang mission ay pahintuin ang black hole phenomenon." Saad ni President.

Siguro nagtataka kayo kung ano ang black-hole phenomenon. Ang black-hole phenomenon ay isang destractive magic na kaya sirain ang buong mundo. May tatlong dahilan kung bakit nangyayare ang black-hole phenomenon, it's either a magus(magician) lost of control of his/her magic or he/she is a dark prince/ss-candidate or it is a grimoire, isang magic book pero hindi lang isang ordinaryong magic book ang grimoire isa itong makapangyarihan na magic book na kayang tuparin ang hangarin ng isang tao/magus.

"Okay." Sabi ko.

"Mag-ingat ka." Dagdag niya.

"Sila ang dapat mag-ingat sa'kin. Ciao." Sabi ko.

Umalis na'ko.
.
.
.
.
Magkatapos ang mahabang paglalakbay sa wakas nakarating na'ko sa City S. Pero...

WHAT THE HELL?! O_O

Dapat sira na syudad na 'to. Pero... pero bakit buo pa ang mga gusali?

Meron nangyayari dito kailangan ko na mahanap ang may gawa nito.

Pumasok ako at naglakad. Kitang-kita mo ang itim na araw simbolo ng black-hole phenomenon. May nakakita rin akong tao na pwedeng pagtanungan.

"Hmm, ate pwedeng magtanong?" Sabi ko sa ate.

Pero hindi niya ko pinapansin. Isang pekeng tao. Sigurado ako ang may gawa lahat ng ito ay isang grimoire. Mukhang mapapasubok ako nito.

Habang naglalakad ako napahinto ako ng nagsidaan ang mga sasakyan. May nakita akong dalawang taong magkahawak kamay sa kabilang kalsada. May kakaibang aura ang nararamdaman ko sa kanila. Tumingin 'yong lalaki sa araw.

"May problema ba, Damon?" Tanong nong babae sa lalaki

"Nagtataka lang ako. Anong nangyari sa araw? Bakit ganyan ang kulay?" Sabi ng lalaki.

Siya lang ang natataka kung bakit kulay itim ang araw dito. Possible kayang...

"H-huh? A-anong meron sa ar-araw?" Mautal-utal na tanong ng babae.

Napangiti ako mukhang nakita ko na ang may gawa nito.

Naglakad na ulit ako palapit sa dalawa dahil tumigil na ang mga sasakyan.

"Hindi mo ba nakikita na kulay itim ang araw?" Narinig kong tanong nong lalaki.

Pero sino kaya itong lalaking 'to?

"A-ano ka ba? Mataggal ng kulay itim ang araw."Saad nong babae.

"Ganun ba." Sabi nong lalaki.

"Tara na nga." Hinila nong babae 'yong lalaki.

Pagkatapat nila sa'kin bumulong ako sa lalaki.

"Gumising ka na kung hindi mapipilitan akong patayin ka." bulong ko.

Kaya napahinto siya at hinanap 'yong nagsabi nun. Kaso hindi niya yata ako nakikita.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong nong babae.

"Wala. Siguro naman naghahallucinate ako. Hahaha" Sabi nong lalaki.

Hindi ka naghahallucinate. Dalian mo gumising dito sa trap world mo para matapos na ang mission ko.
.
.
.
.
.
Pero parang masaya ang susunod na mangyayari.

-----
Thank you for reading.

Vote and comment

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon