Damon's POV
Nasa classroom na'ko ngayon pero hindi pa rin nawawala sa utak ko ang binulong sa'kin ng hindi ko kilalang tao. Timingin ako sa bintana at pinagmasdan ang araw. May talagang mali dito. Hindi ko lang masabi kung ano.
.
.
.
.
.
.
"Damon, may dapat akong sabihin sa'yo." Sabi ni Kate
"May sasabihin din ako." Sabi ko.
Ngayon araw na 'to ay ang araw na magtatapat na'ko sa kanya
"Mas halaga ang sasabihin ko. Kailangan na natin mag-hiwalay." Sabi niya.
Kailangan na natin maghiwalay...
Kailangan na natin maghiwalay...
Maghiwalay...
"H-huh? B-bakit?" Tanong ko na para bang hindi makapaniwala.
"Masyado nang delikado. Parating na sila. Ayaw ko na madamay ka pa." Sabi niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga pisngi ko.
Sinong sila?
"Mahalaga ka sa'kin kaya hindi ko makakaya na makita ka na madamay dito." Sabi niya saka niya pilit inilapit ang noo niya sa'kin habang nakatitig sa mga mata ko.
Madamay sa alin?
Hindi ako makasalita sa labis na pagkabigla.
May inabot siya sa kamay ko. Isang libro... Tinignan ko siya.
"Proprotektahan ka niyan. Humiling ka lang at ibibigay niya. Basta humiling ka mula sa*tinuro niya ang puso ko* puso mo." Sabi niya.
Nakatulala lang ako sa kanya at umiling. Ibabalik ko na sana ang libro sa kanya pero pinigilan niya ang kamay ko at naramdaman ko na lang ang mga malalabot na labi niya sa labi ko. Ang halik na matagal ko ng hinihiling pero ang halik na sa'kin rin magpapaiyak dahil ito ay isang halik ng pagpapaalam mula sa babaeng mahal ko.Pagkaalis niya ng labi niya sa labi ko, ngumiti siya at unting-unti tumulo ang mga luha niya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Promise me , na hindi mo ko kakalimutan." Sabi niya habang umiiyak.
"I promise, hinding-hindi kita kakalimutan." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Hahanap ako ng paraan para makasama ka muli!" Tuloy ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tumango siya at pinunasan ang mga luha niya.
"Aasahan ko 'yan, Da-..." Napatigil siya sa pagsasalita.
Natulala ako sa kanya at saka ko tinignan ang tyan ko. Nakita ko ang unti-unting pagkalat ng dugo mula sa pana sa tyan ko kasabay ng pagbagsak ko.
"Damon!, Damon!"
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla akong nagising ng may pumingot ng tenga ko.
"A-ray, aray, aray!" Daing ko.
"Palagi ka na lang natutulog sa klase ko Mr. Salvatore!" Sabi ng teacher ko.
Nakatulog pala ako habang pinagmamasdan ang araw.So,panaginip lang pala ang lahat nang 'yon ngunit bakit parang totoo?
"S-sorry po, ma'am." Paghingi ko ng tawad.
''Palagi kang ganyan , tapos bukas gagawin mo ulit. Umalis ka muna sa klase ko Mr. Salvatore nang mapag-isip-isip mo pinagagawa sa klase ko!" Sigaw nong teacher ko.
Halatang galit na galit siya pero okay lang. Hindi na'ko umimik. Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas ng classroom. Syempre hindi ako nalungkot noong pinalabas ako ng teacher ko. Wahahahaha , tawang-tawa nga ako eh dahil makakatulog pa ko. Dumireksyo na 'ko sa roof top. Pagkarating ko agad akong humiga at natulog.
Maya-maya ay...
Nakaramdam ako na may umuyugyug sa'kin kaya dinilat ko ang mga mata ko.
Si Kate pala.
"Pinalabas ka daw ng teacher mo kanina." Sabi niya habang nakapout.
"Nakatulog na naman kasi ako sa klase niya." Sagot ko habang nagkakamot ng batok.
"Ang aga mo natutulog tapos antukin ka parin." Sabi niya habang nakapikit na umiiling.
"Sorry naman, masarap matulog eh." Sagot ko habang tumatawa.
"Ikaw, talaga." Sabi niya.
"Damon, tignan mo, oh kung ano nahanap ko." Sabi niya at inabot sa akin na papel.
Pag-open ko nakita ko 'yong drawing niya noong bata pa kami.
"Aalala mo pa 'yan?" Sabi niya nakangiti sa'kin at tumango naman ako.
Makikita mo sa drawing niya, ang dalawang batang lalaki at babae na masayang magkahawak kamay sa gitna ng mga magagadang halaman at may araw pa. Ngunit mas nakuha ng atensyon ko ang araw na nasa drawing niya.
"Kate, anong paborito kong pagkain?" Tanong ko na labis niyang pinagtaka.
"Fried Chicken." Sagot niya na walang pangangailangan.
"Paborito kong kulay?" Tanong ko ulit.
'Wala kang paboritong kulay." Sagot niya na nakangiti pa.
"Saan ko tinatago men's magazines ko?" Tanong ko.
"Sa-sa ilalim ng kama mo." Sagot niya.
"Anong kulay ng araw?!" Tanong ko at sabay turo sa araw.
"I--itim! Bakit mo ba t-tinatanong ang mga bagay na ito?!" Sagot niyang nauutal.
"Kasi hindi mo dapat alam na may tinatago akong men's magazine." Sabi ko na nakatingin sa kanya.
Halata sa kanya na nagulat siya sa sinabi ko.
"H-huh? Hindi mo ba alam na nakita kitang bumili ng men's magazine?" Pagpapaliwanag niya.
Magsisingungaling ka pa ah. Napa-smirk ako at nag cross arms.
"Wala akong binili dahil binigay sa'kin 'yon ng kaibigan ko." Buong confidence kong sabi.
"T-Talaga?" Hindi niya makapaniwalang salita.
Huli ka...
"Atsaka, isa pa *pinakita ko sa kanya ang drawing* kung kulay itim ang araw dapat dito sa drawing mo itim ang araw pero hindi eh. Kulay yellow means nagsisingungaling ka." Sabi ko.
"Tsk!" Tugon niya.
"Hindi magsisingungaling sa'kin si Kate kahit na kailanman. Sino ka ba talaga? " Tanong ko.
Tumahimik siya at yumuko.
"Hmph! Ahahahahahah!" Tumawa siya bigla at tumingin sa'kin.
"Hindi ko lubos naisip na mahuhuli mo ko dahil lang sa men's magazines at sa drawing na 'yan." Sabi niya.
"Wala tayong magagawa. Nagpa-obvious ka eh. Ang magandang tanong ngayon ay sino ka ba talaga at na saan ang tunay na Kate?!" Sabi ko.
"Hmmm, hindi mo ba natatandaan ang nangyari noong araw na 'yon?" May pagka-sarkastikong salita.
Ano nga ba ang nangyari?
"A-anong nangyari noon?" Tanong ko na naguguluhan.
"Nasaksak ka at kinuha si Kate ng hindi mo nakikilalang tao at ako ang regalo niyang libro sa'yo." Sabi niya.
Nasaksak ako?
Naupo ako dahil sumakit ulo ko.Argh... Biglang nag-flashback sa'kin 'yong mga napaginipan ko. Posible kayang totoo ang mga panaginip ko?
"Totoo ang mga napapaginipan mo, Damon." Hindi ko pala namalayan nakalapit na siya sa akin at nakaupo ngayon sa harapan ko na nakangiti.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Tanong ko at lalo siyang napangiti.
"Ang dami mong tanong, Damon. Pero sige, sasabihin ko ang rason...
.
.
.
.
It's your wish, Damon." Sabi niya.
My wish...?
---------
Thank you for reading . Feel free to comment
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
