Chapter 6: Destiny or not?

45 5 7
                                        

Damon's POV

Naglalakad kaming tatlo ngayon sa hallway. Sabi nila kasi naililibot nila ako sa buong academy.

"Ah, hmmm, ano...? Ano ba ang trinity seven? Sino-sino sila?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami.

Nagtinginan sila.

"Ho-ho-ho. Hindi mo pala sinabi kung sino nga ba ang trinity seven, Ma'am."  Sarkastikong sabi at tawa ni Lera kay Alieza.

Ma'am?

"H-hindi naman niya tinatanong na hindi pala niya alam."  Pagpapaliwanag ni Alieza.

"Okay, sabi mo, eh."  Sabi naman ni Lera na parang hindi pa rin naniniwala.

Nag-pout na lang si Alieza.

"Ang trinity seven ang pinakamalakas na magus sa academy. Kilala rin kami bilang mga magus na gumagamit ng seven deadly sins which are luxuria for lust, invidia for envy, ira for wrath,superbia for pride,   avaritia for greed , gula for gluttony, and acedia for sloth." Pagpapaliwanag sa akin ni Alieza
Ah, kaya pala sabi ni Lera na siya ang envy.

"Kami rin ang kinatatakotan ng mga ibang magus, well most of them, dahil kami ang mga itinakdang kasama ng dark-prince para sirain ang buong mundo."  Dagdag ni Lera.

"Lera! Hindi mo na dapat sinabi 'yan sa kanya."  Sabi ni Alieza sa kanya.

Napatingin naman ako kay Alieza. Kaya pala ganun na lang ang reaksyon niya noong nalaman niya na isa ako sa dark-prince candidate.

Napatigil kami sa palakad nasa intrance kami ng school.

"Tss... kailangan niya rin malaman 'yon. Kaya may isang katanongan ako sa'yo Mr. Dark prince candidate."  Sabi ni Lera at tinuro ako.

"May balak ka ba ituloy ang nakatadhana sa'yo na sirain ang buong mundo?" Sabi ni Lera na seryoso na.

Samantalang nakatingin at nakikinig lang sa'min si Alieza.

"Wala."  Direksyo kong sagot.

"Talaga?"  Paninigurado ni lera sa sagot ko.

"Masyadong maganda ang mundo para sirain ko lang at kung ako ng ang dark-prince, hindi naman ibig sabihin na akin  ang buong mundo at pwede ko ng gawin ang anumang gustohin ko dito. Kasi maraming mga hayop, halaman, tao at kahit mga magus na kagaya natin ang naninirahan dito kaya ang makakaya ko lang gawin bilang dark prince ,kung sakali man, ay panatiliin kung ano man ang mundong ito. Kahit naman na itinadhana ako ang sisira sa mundong ito, hindi rin naman ibig sabihin na hindi ko pwedeng ibahin ang tadhana ko. Naniniwala ako na lahat ng bagay walang itinadhana kundi depende sa pinaniniwalaan mo. Kaya sigurado akong wala akong balak na sirain ang buong mundo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nakatulala lang sila sa akin.

Nang bilang tumawa si Lera.

"I hope so na maiba mo talaga ang nakatadhana sa atin." Sabi ni Lera.

"I promise to you two na hindi mangyayari 'yon."  Sabi ko at saka ngumiti.

Lalong tumawa si Lera.

"I really like you, Damon."  Sabi ni Lera at ngumiti.

"Oh my!"  Sigaw ni Alieza habang nakatingin sa relo niya.

"Bakit?"  Sabay naming tanong ni Lera.

"Late na'ko sa klase ko. TwT Sige, guys, alis na muna ako kasi magtuturo pa ko. Chao" Sabi niya saka tumakbo paalis.

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon