Damon's POV
Paghalik ni Czarina sa'kin naramdaman ko na unti-unting niyang hinihigop ang kapangyarihan ko. Hinawakan ko siya sa balikat at pilit siyang itulak pero sadyang nanghihina na'ko.
Althea's POV
"Anong gagawin natin? Hindi tayo makakapasok sa loob nitong halaman na ito?!" Pagpapanik ni Alieza.
Hmm... May gusto ba siya kay Damon?
"Ano na kaya ang nangyayari sa loob?" Nag-aalalang tanong ni Leanna.
Napabuga na lang ako ng hangin.
"Ruina. SWORD OF DESTRUCTION." Pagtawag ko sa isa sa mga armaments ko.
Ang Armaments ang tawag sa mga legendary magic weapon ng mga magus. Lumabas sa kamay ko ang isang itim espada.
"DIABOLIK ACID." Saka tinusok sa isa sa mga higanting dahon.
Makikita mo na unti-unting natutunaw ang pinagtusokan ng espada ko at gumagawa ng malaking butas paloob.
Habang hinihintay namin tuluyang mabutas ang higanting halaman.
Hanggang sa nakita namin sila Damon at Czarina na naghahalikan. Bigla akong umiwas ng tingin. Bakit biglang sumakit ang puso ko?
Pagtingin ko kay Alieza. Nakita ko sa mga mata niyang nasasaktan.
Pagkahiwalay ni Czarina mula sa labi ni Damon biglang natumba si Damon. Tumakbo si Leanna papunta kay Damon na nanghihina para i-check kung okay lang siya habang si Czarina tahimik lang na nakahawak sa labi niya na para bang gulat na gulat. Bigla sumugod si Kiendra kay Czarina pero bigla nawala si Czarina sa harapan niya bago pa niya matamaan si Czarina at lumabas sa likodan niya si Czarina. Isang pitik lang ni Czarina biglang nawalan ng kapangyarihan si Kiendra at... at... at nahubadan. .___.
"Kyyyaaahhh!" Sigaw ni Kiendra at umupo para takpan ang katawan niya.
"Oh my, oh my, ganito pala ang kapangyarihan ng isang dark-prince candidate." Sabi ni Czarina na para bang manghang-mangha sa kapangyarihang nakuha niya.
"Abies. Fire Gun." Rinig kong paglabas ni Alieza ng baril niya at itinutok niya agad kay Czarina at pinaputokan siya.
Pero tulad ng nangyari kanina naiwasan ni Czarina at napunta siya sa likodan namin. Naramdaman ko na lang na nawala ang kapangyarihan ko
"Kyaaahhhh!" Sigaw ni Alieza na hubad na at tinatakpan ang sarili niya.
Napatingin ako sa sarili. Pagtingin ko hubad na rin ako.
Hala. .___.
Hindi ko na tinakpan dahil it doesn't bother me, anyway.
Bigla siyang napunta sa harapan namin.
"I'm starting to love this power and there's no stopping me!" Sabi niya at tumatawa.
"Kinakalimutan mo na naman ako." Sabi ni Lera.
Tumingin si Czarina sa kanya.
"Oh, the great assassin is still up." Sabi ni Czarina na may pagkasarkastiko.
Biglang napangiti si Lera ng nakakaloko. Na'ko nagsisimula na silang magkainitan.
"Madali lang iwasan ang atakeng iyon." Sabi ni Lera na parang nangangasar.
Biglang nag-smirk si Czarina. Nagkakainitan na talaga sila.
"Syempre maiiwasan mo iyon para saan pa at tinagurian kang 'Assassin of Death'." Sabi ni Czarina habang pumikit pa at itinaas ang kamay.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasiaFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...