Damon's POV
Naglalakad ako ngayon sa corridor at humihikab papuntang first subject ko. Nang nabunggo ako ng isang babae. Nalaglag niya tuloy yung mga hawak niyang mga papel.
"Waaaahhh! TwT 'yong mga news paper ko!" Sabi niya habang naiiyak at dali-daling pinulot 'yong mga news paper.
'Sorry." Sabi ko at pumulot rin ng mga news paper at ibinigay sa kanya.
Ang cute niya. Mukha siyang journalist sa itsura niya.
"Okay lang. Kasalanan ko naman eh. Anyway, bago ka 'no? Ngayon lang kasi kita nakita. Ako nga pala si Czelestine Morgan." Sabi niya na nakangiti saka siya nakipagkamay sa'kin.
"Sorry pa rin. Ako nga pala si Damon Salvatore at bago talaga ako dito." Sabi ko habang nakikipagkamay sa kanya.
"Baka ikaw 'yong sinasabi nilang dark-prince candidate dito?!" Sabi niya na pa bang may sparks pa sa mga mata niya.
Ang bilis naman yata ng balita. =___=
"Ah... oh ito pala news paper, basahin mo." Sabi niya sabay abot ng news paper sa 'kin.
Napataas ako ng kilay nang nakita ko kung ano ang head news.
Wala nang iba kundi ako. =_=
"Ang bilis naman mo naman nakuha ang ganyan information. Ha ha ha" Sabi ko sabay tawa ng may pagka awkward.
"Syempre, isa akong journalist dito sa school kaya dapat ako unang makaalam ng mga nagbabagang balita." Sabi niya para bang proud na proud sa sarili niya.
"Ha ha ha ha. Okay." Sabi ko na lang.
"So, ikaw talaga ang dark-prince candidate?" Tanong niya.
"Iyon ang sabi nila." Sagot ko naman.
"Waaahhh! *-* Ang swerte ko naman at nakita kita dito. Pwede ba kitang mainterview?" Sabi niya parang may nakikita pa kong kumikislap sa mata niya.
Pinagpapawisan tuloy ako.
"Pwede bang saka na lang? Malilate na kasi ako." Palusot ko.
"Ay! Oo nga pala. Sige, magkikita muli tayo. Bye bye!" Pagsang-ayon naman niya sa'kin.
Wooohh... buti na lang.
"Damon." Tawag sa'kin.
Napatingin naman ako si Alieza pala.
"Oh, Alieza." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Ma'am Alieza ang itawag mo muna sa'kin. Ako ang teacher mo ngayon." Sabi niya habang naka cross arms at pumikit.
Para tuloy ang strikto niya.
"Okay, ma'am." Sabi ko.
Bigla naman niya ako inirapan.
Ano promblema niya? O.O
"Sumunod ka sa'kin." Sabi niya at nagsimulang maglakad.
Sinundan ko na lang siya hanggang pumasok kami sa isang silid aralan. Ito na siguro ang classroom ko. Tumigil siya at humarap sa mga magiging kaklase ko kaya pati tuloy ginaya siya.
"Good morning class. Ito nga pala ang bago niyong classmate. Please introduce yourself." Sabi niya.
Medyo kinabahan tuloy ako.
"Good morning. I am Damon Salvatore, 16 years old." Pagpapakilala ko.
"Totoo bang ikaw ang dark-prince candidate?" Tanong ng isang istudyante.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
