Leanna's POV
"You're not going to do it, are you?" Tanong sa'kin ni Akky habang nasa higaan at hinihintay namin si Ate Alieza lumabas.
Napa-smirk na lang ako.
"I will." Sagot ko sa kanya.
Napabuntong-hininga naman siya at saktong lumabas si Ate Alieza na namumula.
"Kailangan bang ganito ang suot ko?" Sabi niya.
Nag-nod naman ako. Nakasuot siya ng dress na pink at white na napakabagay sa kanya. Magagawa ko talaga ang plano ko. *_*
"Shall we go?" Sabi ko sa kanya.
Nag-nod naman siya.
HAHAHAHAH WALANG MAKAKAPIGIL SA PLANO KO. +_+
Damon's POV
Nandito na ako sa harapan ng gate kung saan kami magkikita-kita nila Alieza at Leanna pero sa tingin ko ay wala pa sila. ._.
Nakita ko si Leanna na tumatakbo palapit sa'kin kasunod ang aso na si Akky.
"Sorry, natagalan kami." Sabi niya saka nag-wink sa'kin.
"Okay lang." Sagot ko naman nakangiti.
"Nasaan si Alieza?' Tanong ko habang hinahanap siya.
"Ate Alieza, lumabas ka na hahahahha. Wag kang mahiya." Sabi ni Leanna.
Dahan-dahan siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Natulala ako sa kanya dahil napakaganda niya kahit simple white pink dress lang ang suot niya.
"U-uhmm ano...?" Sabi niya halatang hiyang hiya siya.
"Ang ganda mo." Bigla kong nasabi.
Nagulat naman sila at ganoon din ako. Nakita ko naman ngumisi ng pilya si Leanna. Agad akong nag-isip kung paano ko kaagad maiiba ang usapan.
"Rory." Tawag ko sa kanya.
"Yes, master?" Sagot naman niya.
"Pwede ka bang mag-transform sa katawang tao mo para makasama ka naman namin mamasyal." Sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang lumiwanag at nagppalit ng anyo.
"'Yan. Mas marami, mas masaya." Saad ko.
Sana lang hindi nila mahalata na iniba ko lang ang usapan.
"Tara na!" Sigaw ni Leanna.
Hinila niya si Rory at tumakbo paalis sinundan naman sila ni Akky.
"Sandali lang!" Sigaw ko pero nakalayo na sila.
"Ano ba 'yan naiwan tayo, hahahhahaaha." Sabi ko habang tumatawa.
Wala naman kibo si Alieza.
"Tara na nga para mamasyal tayo baka makita natin sila doon." Sabi ko saka ko hinawakan ang kamay niya at hinala.
Hindi naman siya pumalag at sinundan ako. Habang nalalakad kami may nadaanan kaming bilihan ng mga accessories at may nakita akong magandang bracelet. Binitawan ko ang kamay ni Alieza at tignan muna sa glass window ang bracelet. Naramdaman ko naman na tumabi sa'kin si Alieza at tinitigan ang tinitignan ko.
"Ang ganda ng bracelet na 'yan, hindi ba?" Tanong ko sa kanya.
"O-oo, maganda nga." Sagot niya.
Tumayo ako ng maayos.
"Sigurado akong magugustohan ni Kate 'yan. Teka lang ah bibilhin ko." Sabi ko kay Alieza at pumasok agad ako sa loob.
Nakita ko agad ung counter at pumunta ako doon.
"Ah, Miss. Pabili ako ng bracelet na 'yon." Sabi ko sabay turo sa bracelet na nakita ko.
"Okay, sir. Sandali lang po." Sagot niya at kinuha ang bracelet.
Habang hinihintay ko siya, nakakita ako ng necklace. Maganda siya design niya ay bala na maliit pero ang cute tignan. Alaala ko tuloy si Alieza sa Necklace na 'yon.
"Ah, Sir, Ito po." Sabi ni Ateng sales lady.
"Thank you, miss. Ah, kukunin ko rin pala iyong necklace na 'yon." Turo ko sa necklace.
Kinuha niya at nilagay niya sa box ung dalawang binili ko. Binigay ko ang bayad saka lumabas. Nakita ko naman agad si Alieza na nakatayo sa ilalim ng puno. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Nalakad ako palapit sa kanya pero hindi niya yata ako napansin. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Nagulat naman siya at namula.
"Alieza..." Tawag ko sa kanya.
Hindi naman siya nakasagot agad.
"Ba-ba-bakit?" Tanong niya.
Nilabas ko ang necklace na binili ko sa kanya at pinakita ko sa harapan niya.
"A-akala ko ba bracelet bibilhin mo?" Tanong niya.
"Binili ko rin 'yon pero binili ko rin ito para sa'yo." Sabi ko at ngumiti.
"Ah?!" Nasabi niya.
"Isusuot ko na sa'yo, ah?" Sabi ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at suot ko na sa leeg niya.
"Oh, 'yan. Bagay sa'yo." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Tara na baka nandoon na sila Leanna sa Park." Sabi ko para naman siyang nabigla at nag-nod.
Naglakad na kami papunta ng parke.
President Kurt's POV
"President Kurt, Nakatanggap ako ng liham mula sa Eastern Magus Academy. Pinatay ang dark-prince candidate nila." Sabi ng sekretarya ko.
"SINO DAW ANG PUMATAY?!"
Tanong ko.
"Walang nakakaalam. Pero may mas malalang balita ako mula sa Northern Magus Academy. Naggive up daw ang dark-princess candidate nila at lumipat sa Westhern Magus Academy." Sabi niya.
Bigla naman ako natahimik at nag-isip.
Posible kayang nasa likod ng lahat ng ito ang Westhern?
"Kung ano man itong nangyayari, masama ang kutob ko." Sabi ko na lang sa sekretarya ko.
-------------------
Sorry for late ud
Stay awesome guys
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
