Damon's POV
Nasa field kami ngayon para i-train namin ang mga magic namin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. Hindi kasi maalis sa isip ko si Althea. Sabi niya kahapon siya ang papatay kay Kate.
"Damon, ano pang hinihintay mo? Mag-train ka ng kapangyarihan mo." Sabi ni Alieza.
"Hmmm, Alie- Ma'am kasi po hindi ko po talaga alam kung ano, eh." Sabi ko habang napakamot ako sa batok.
"Sige, pagkatapos ng klase natin mag-stay ka. Tutulungan kita para malaman natin ang main archive mo." Sabi naman ni Alieza.
Naghintay ako hanggang natapos 'yong klase. Tapos lumapit siya sa'kin.
"Okay, ito ah, ang magic natin ay nakukuha natin sa kung ano man ang hinahangad natin mangyari para malaman mo kung alin ang gusto mo kailangan mo konsultahin 'yan *sabay turo sa puso ko* mamili ka kung ano ba talaga ang gusto mong kapangyarihan?" Sabi niya.
Ano nga ba ang gusto kong maging kapangyarihan?
"Pumikit ka at mag-concentrate, Damon." Sabi niya.
Ginawa ko ang sinabi niya. Pumikit ako at nag-concentrate. Kaso ang rami ng nasa utak ko, hindi ko magawa.
"Isipin mo may isang malaking trashcan. Doon mo ilalagay lahat ng gumugulo sa isipan mo hanggang sa mahanap mo kung ano ba talaga ang gusto mo maging kapangyarihan." Sabi ni Alieza.
Ginawa ko ulit 'yon. Inisa-isa ko ang pagtapon sa mga gumugulo sa isipan ko. Habang patagal nang patagal, paconcentrate ako nang paconcentrate bigla ako nakaramdam ng sakit sa puso ko.
*dug dug*
Bigla akong napaupo habang hawak-hawak ko ang dibdib ko.
*dug dug*
"Argh!" Daing ko sa sobrang sakit.
"Damon, anong nangyayari sa'yo?!" Pag-alalang sabi ni Alieza.
Kahit hindi ko siya matignan, alam ko nag-alala siya sa'kin.
*dug dug*
Damn! Ang sakit talaga.
"H-h-hindi ko alam bi-glang su-ma-kit. *dug dug* Arghhhhh!" Sigaw ko.
Alieza's POV
"H-h-hindi ko alam bi-glang su-ma-kit. *dug dug* Arghhhhh!" Sigaw niya.
Lalapitan ko na sana siya para dalhin sa clinic pero para bang may shield na nakapaligid kanya nahumarang sa'kin.
"Arrrrrgggghhhh!" Sigaw niya.
Halatang halata sa itsura niya na masakit.
Biglang may naramdaman ako na masamang aura sa kanya. Kaya napaatras ako. Biglang nagkaroon ng malakas na paglindol. Nakita ko ang pag crack ng lupa dito sa field at pag-unti-unting pagkaguho ng school. Pagtingin ko sa araw kulay itim na ito. Sh*t, Black-hole phenomenon.
"Damon, magrelax ka lang!" Sigaw ko sa kanya at tumango siya kahit mukhang nahihirapan siya.
"Inhale, exhale." Pasabi ko sa kanya.
Sinunod naman niya.
"Aaaarrrgggghhhh!" Bigla niyang pagsigaw nawala tuloy ang pagrerelax niya.
Lalo lumakas ang paglindol.
Sh*t, at this point, malaking pag-asang masira ang school o ang buong mundo. Wala na kong choice kundi ang patayin siya.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasíaFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...